^

PSN Showbiz

Alden pinaka-pagod, hatid-sundo ng chopper

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mukhang wala pang planong ituloy ang launching movie ni Alonzo Muhlach na Kuwatog dahil hindi muna binibigatan ang schedule nito.

Ini-enjoy naman daw ni Alonzo ang ilang activities na may kinalaman sa endorsement niya kagaya nitong Frabelle Hotdog na ini-launch kamakailan lang.

Nang tinanong namin si Alonzo kung matutuloy na ba ang remake ng Kuwatog na pinasikat ng Daddy niya, umiiling ito.

Sabi niya mas type na raw niya ang pelikulang Wang Fam na kung saan kabilang siya sa Wang Family nina Pokwang bilang si Malou at si Benjie Paras na si Bu Wang.

PAK: Hindi raw natuloy ang first shooting day ng MMFF entry ni Kris Aquino na All You Need is Pag-ibig nung nakaraang linggo. Ang dahilan daw nang pagka-pack-up ay masama na naman ang pakiramdam ng Queen of All Media at tumaas daw ang blood pressure nito.

Ang latest na narinig namin si Derek Ramsay na ang ipinalit na leading man, dahil tuluy na tuloy na raw ito.

Pero sa takbo ng mga pangyayari, baka hindi rin daw ito aabot dahil sa sitwasyon ni Kris.

BOOM: Congratulations sa Eat Bulaga sa napaka-successful na grand fans day ng AlDub, ang Sa Tamang Panahon na ginanap sa Philippine Arena kahapon.

Napuno ang Philippine Arena na maayos ang pag-handle sa pagpasok sa napakaraming fans na nagsadya at nakibahagi sa momentous event na ito ng AlDub nation.

Parehong emotional sina Alden Richards at Maine Mendoza sa napakainit na suporta ng mga fans.

Ilang beses yumakap si Alden kay Maine at nagpapasalamat sa lahat na biyayang natanggap nila.

Pero sa totoo lang, si Alden ang pinakapagod kahapon dahil sa ang rami pa niyang nilaga­reng trabaho pagkatapos ng kanilang grand fans day. Kailangang isakay si Alden sa chopper para mapuntahan niya ontime ang mga natanguang commitments.

Pagkatapos nito sa Philippine Arena, sinundo na ito ng chopper patungong Marikina para sa ribbon cutting sa Sta. Lucia, at pagkatapos nito isasakay na naman siya ng chopper patu­ngong Alabang Town Center para sa mall show niya roon. Kaya pagod na pagod talaga ang Pambansang Bae pero hindi naman daw ito nagrereklamo.

vuukle comment

ACIRC

ALABANG TOWN CENTER

ALDEN RICHARDS

ALL YOU NEED

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG

BENJIE PARAS

BU WANG

DEREK RAMSAY

PHILIPPINE ARENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with