^

PSN Showbiz

Para mas bumongga ang career Liza ihihiwalay na kay Enrique

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang may balak na paghiwalayin ng kanilang istasyon ang LizQuen tandem para masubok lamang marahil kung tatanggapin ng fans ang dalawa kahit hindi magkasama sa mga project, at kung hanggang saan aabot ang nakikitang galing sa pag-arte ni Liza Soberano na kinakitaan na ng malaking potensyal na mas sumikat pa nang hindi kasama ang kanyang ka-loveteam.

Maituturing na isang eksperimento ang Everyday I Love You na kung saan ay kinakitaan din ng chemistry sina Liza at Gerald Anderson. Kung pwede siya kay Gerald, pwede rin siya sa iba. Kanino naman kaya si LIza susunod na itatambal?

Ejay nagising na sa katotohanan

Mukhang may natutunang leksyon si Ejay Falcon sa pagsasama nila ng kanyang kapareha sa serye ng ABS-CBN na Pasion de Amor na si Ellen Adarna sa Star Magic Ball.

Kung dati ay masidhi ang pagkakagusto niya sa seksing aktres at bukas ang loob niya sa pag-amin sa kanyang nararamdaman sa kapareha kaya nagawa niyang papaniwalain ang kanyang sarili, at base na rin marahil sa magandang pakita sa kanya nito na merong maaaring maganap na maganda sa pagitan nila.

Wala siyang karelasyon at naniwala siya na ganundin si Ellen pero, hindi pala ganun.

Hanggang sa pagkakaibigan lamang pala sila maaring humantong.

“Malinaw na sa akin na magkaibigan lang kami. May mga dapat kaming pinag-usapan na hindi ko ginawa pero, okay na kami ngayun,” anang bumabalik na endorser ng Psalmstre na nung kabataan niya ay naging endorser siya ng pang-teenager na produkto nitong Olive C pero, ngayon ay nagbabalik sa kumpanya para iendorso ang New Placenta for Men.

Ipinagkakapuri siyang muling i-welcome sa kanyang kumpanya ng pangulo at CEO ng Psalmstre na si Jaime Acosta.

“Bahagi na si Ejay ng pamilya ng Psalmstre. At ngayong malakas  na ang demand  para sa New Placenta for Men, inaasahan  ko na mas makakatulong  siya ng malaki para mas marami pang mga lalaki na gumamit nito,” sabi ng may-ari ng sabon.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan at kahit inabot ng siyam-siyam sa paghihintay sa magaling na aktor ang napakaraming bisita para saksihan ang pormal na pagpapakilala sa kanya bilang endorser ng New Placenta for Men, buong pagpapakumbabang hi­ni­ngi ng winner ng Pinoy Big Bro­ther noong 2008 ang paumanhin ng lahat dahil inabot siya ng matinding  traffic at galing pa siya mula sa taping niya ng Pasion de Amor sa Tagaytay. Mi­na­madali niya ang taping niya dahil may mga pupunta­han siyang commitment para sa kinaaniban niyang shows Kapamilya Network sa labas ng bansa.

Para sa Placenta for Men, sinabi ni G. Acosta na dadalhin niya si Ejay sa Cebu para sa Sinulog Fes­tival kasama ni Stafany Stefanowitz na siya na­mang endorser ng Placenta for Women at sila ang magsisilbing atraksyon sa ibabaw ng karosa ng Psalmstre na lalahok sa Sinulog grand parade sa January 2016.

KZ ayaw tantanan ng fans nina Sarah at Matteo

Poor KZ Tadingan! Umaani ito ngayon ng pamba-bash mula sa mga fans ni Sarah Geronimo at ng nagkahalong supporters ng Sarah-Matteo Gui­dicelli loveteam. Nagselos yata ng husto ang fans ng magdyowa sa napaka-intense na pakikipag-duet na ginawa ng X-Factor winner kasama ng nobyo ni Sarah at nang magsalita si KZ na may pagkaka­taong regular ang communication nila ni Matteo at nag-assume siya na nililigawan na siya nito.

Kaya hayun, at walang patumanggang pambabatikos at pambibira ang tinatanggap ni KZ sa social media. Ipinagtatanggol din naman siya ni Matteo pe­ro, parang wala sa fans ni Sarah ang nakikinig sa kanya. Talagang galit sila at naniniwalang isang threat si KZ sa samahan ng dalawa.

At kahit alam na alam nilang taken na rin si KZ at in love na in love din ito sa boyfriend niya ay no effect pa rin sa galit nila!

Claudine na-rape!

Ang Optimum star na si Claudine Barretto ay magbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayon ga­bi sa pamamagitan ng isang episode na tumata­la­kay sa maselang usapin ng panggagahasa at incest.

Limang taon lamang si Leni nang gahasain siya ng kanyang ama na si Ramon (Gardo Versoza) na mapapatunayang guilty ang huli sa krimen at ma­­ku­­kulong. Ngunit matapos ang anim na taon ay ma­ka­kakuha ito ng pardon, makakalaya, at muling mag­babalik sa kanilang tahanan.

Dito na magsisimulang mag-alala si Leni sa takot na gawin ulit ng ama ang ginawa sa kanya sa nakaba­bata niyang kapatid na si Aileen (Mika Dela Cruz). Hindi naman nagkamali ang kanyang pa­ngam­ba dahil unti-unting gagapangin ng amang ha­yok sa laman ang dalagita na mauuwi rin sa pang­gagahasa.

Dahil sa nangyari ay maglalayas si Aileen at sasarilinin ang problemang dinadala. Hahanapin siya ni Leni at sa kanilang muling pagtatagpo, gugulat sa kanila ang isang matinding balita, buntis si Aileen sa sariling ama.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sine­neng.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

LEFT

MATTEO

NEW PLACENTA

PSALMSTRE

QUOT

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with