^

PSN Showbiz

Tom may drama sa relasyon nila ni Carla

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

What you see is what you get ang laging drama nina Tom Rodriguez at Carla Abellana kapag natatanong tungkol sa relasyon nila. But it seems nagkasundo na ang dalawa sa kanilang mga isasagot kung kaya madalas silang nakakawala sa pangungulit ng media.

Both Carla and Tom maintain na exclusive sila sa isa’t isa. Hindi sila lumalabas o nakikipag-date sa iba.

With No Boyfriend Since Birth (NBSB) ng Regal Films, nabigyan na naman ng pagkakataon ang media at ang fans nila na malaman kung talagang hanggang saan ang kanilang relasyon. May progress na kaya? Dumating na ba ang tamang panahon para sa kanila? ‘Yun at ‘yun pa rin ang sagot, what you see is what you get at gusto nilang gawing pribado ang bahagi na ‘yun ng kanilang relasyon.

Tulad sa tunay na buhay, sa NBSB, si Carla ay si Karina na hinihintay pa rin na ma-in love sa kanya ang high school crush. Pero matapos maka-graduate sa high school ay naghiwalay na sila.

Pumunta ng Canada ang crush niyang si Carlo na isa nang photographer doon. Siya naman ay isang assistant sa isang bridal shop. Muling nagkita ang dalawa pero buhos ang panahon ni Carlo sa kanyang trabaho.

Gagawin naman ni Karina ang lahat para mapaibig ito. Pero mabibigo siya kaya sinukuan niya si Carlo. Pero hindi papayag ang tadhana na sa ganun lamang matapos ang kanilang relasyon.

Palabas na ang No Boyfriend Since Birth sa November 11.

Alden at Maine balak kalabanin si Dennis?!

Wala na talagang makakakabog sa tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil hindi lang sila rito rumaratsada. Isang malaking feat ‘yung pagkaka-feature sa kanila sa Morning News USA dahil araw-araw silang trending sa social media.

Sayang at hindi nabanggit dun na after three days na magsimulang magbenta ng tiket para sa konsyerto nila sa Philippine Arena ay wala nang mabibili sold out na!

Inaasahan pa na mabi-break ng AlDub concert ang Guinness World Records na naitala ng Felix Manalo movie ni Dennis Trillo sa rami ng tao na nanood ng premiere night nito.

At sa tanggapin nila o hindi, ang success ng AlDub ang ugat sa maagang pagkakaro’n ng gold record ni Alden Richards kahit hindi pa nailulunsad ang album niya.

Nasaan Ka Mr. Pastillas hinihiritan ng part 2

Life goes on sa pagtatapos ng Nasaan Ka Mr. Pastillas? na sana ay itinuloy pa ng It’s Showtime dahil patok ang dating game sa mga manonood lalo’t mga more than ordinary ang mga na­ging searchies o mga lalaking nagha­hanap ng maliligawan.

Nakatutok ngayon ang programa sa paglalaban-laban ng mga host ng prog­rama na naging magandang buwena mano ‘yung mala-musical presentation nina Karylle at Jhong Hilario.

Sana gawan pa nila ng bagong episode ang dating game na si­nimulan nila at nakitaan ng mala­king potensyal para sundan ng mga manonood.

Albie nagpaliwanag sa pagiging arogante

Kung hindi pa sa panonood ko ng pinakapaborito kong serye sa TV na On The Wings of Love, hindi ko pa makikilala nang lubos ang tinataguriang Pambansang Bully na si Albie Casiño na unang pinagalit ako nang itanggi ang anak ni Andi Eigenmann. Sabi ko, kung ang sikat na si Robin Padilla ay inaangkin maging ang hindi niya anak, bakit siya na itinuturong ama ng panganay ni Andi ay itinatanggi ang bata.

Pero lahat nito ay nasa past na. It has been a long time. Pare-pareho nang naka-move on ang mga character na involved sa kaso. Lalo na silang dalawa ni Andi. In fact, matagumpay na niyang nabalikan ang kanyang pag-aartista. At kahit sabihin pang nakakainis ang kanyang role sa OTWOL, magaling siya dahil mas lalong napapaganda ang roles nina Nadine Lustre at James Reid at lalo silang nagiging kakilig-kilig.

Makakalaban siya ng sabayan ni James at mas bentahe pa siya dahil mas matangkad siya sa Pinoy Big Brother (PBB) winner.

Ikinalulungkot ng batang aktor na ipinalalagay siyang mayabang ng mga nakakikilala sa kanya.

Pero sinabi niyang hindi pagyayabang ang pagiging confident niya. Sinabi niyang friendly din siya at hindi apektado ng maling pagkakilala sa kanya.

Gusto lang niya ay maipapatuloy ang trabaho at kasabay nito ay matapos ng pag-aaral niya. Sino ang hindi hahanga sa kanya? Bata pa sa gulang na 22, pero matigas na ang paninindigan niya.

vuukle comment

ACIRC

ALBIE CASI

ALDEN RICHARDS

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

HINDI

MGA

MR. PASTILLAS

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with