^

PSN Showbiz

Robin umuwi na ng bansa para sa pulitika!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasa bansa na pala si Robin Padilla, nakita namin siya sa concert ni Gloc-9 sa Music Museum last Saturday. Hindi lang kami nagkaroon ng chance na makausap ito kahit sandali dahil ang anak na si Kylie Padilla at si Glaiza de Castro lang ang dala­wa sa guests ni Gloc-9 ang pinanood nito.

Naunang kumanta si Kylie at sumunod si Glaiza at kaya lang napansing nanood si Robin ay nang patayuin ni Glaiza nang kantahin nila ni Gloc-9 ang Upuan. After ng number na ‘yun, sabay nang uma­lis sina Robin at Kylie.

May tsikang kaya bumalik na ng Pilipinas si Ro­bin ay para suportahan ang pagtakbong presidente ng bansa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Bukod kay Robin, marami pang taga-showbiz ang susuporta kay Duterte, kaya hati ang mga ta­ga-industriya sa susuportahang presidente dahil may­roong maka-Sen. Grace Poe, maka-Sec. Mar Roxas at may susuporta rin kay VP Jojo Binay.

Lovi hindi nang-agaw ng eksena sa re-launching ng business ni Rocco

Supportive girlfriend ang dating ni Lovi Poe kay Rocco Nacino sa blessing ng re-launching ng Rufo’s Famous Tapa Restaurant last Saturday, kung saan, co-owner sila Rocco at brother nitong si Kyle ni Paul Reyes. Hindi umarteng artista si Lovi, nasa background lang ito at naging photo­grapher lang sa okasyon. Tatabi lang ito kay Rocco ‘pag nire-request ng mga bisita.

Masaya si Lovi para kay Rocco at parang okay sa kanya ang suggestion na sila ni Rocco ang ma­ging endorser ng Rufo’s para mas lumakas pa ang resto.

Sa ngayon, mas dumami ang customers lalo’t 24 hours open ito at masarap ang food at good ang service ng crew.

Anyway, hindi makumpir­ma ni Lovi kung exten­ded ang Beautiful Strangers dahil hin­di pa pormal na sinasabi sa cast at naririnig pa lang nila. Sakaling totoong extended ito, hindi maaapektuhan ang ta­ping sa naka-schedule nilang European vacation with her mom and aunt sa last week ng November. By that time, baka tapos na ang taping nila at kung hindi pa tapos, mga one week lang sila sa Europe at makakahabol pa sa taping.

Alam ni Lovi na may mga kinikilig sa kanila ni Benjamin Alves sa Beautiful Strangers dahil sa malakas nilang chemistry. Matutuwa ang shipper ng Joyce-Lawrence love team dahil sa takbo ng story, parang matutuloy silang ikasal.

Ella VIVA artist na!

Talent na pala ng Viva Artist Agency si Ella Cruz. Nakita namin ang picture nito nang pumirma ng kontrata sa VAA. Naunang gawin at tapusin ni Ella ang Regal Entertainment movie na The PreNup. Papayagan naman siguro siya ng VAA na mag-promote ng movie na showing sa October 14.

Hindi rin mahihirapan ang ABS-CBN at Star Cinema halimbawang may project sila kay Ella dahil maganda ang business relationship ng mga nabanggit sa VAA. Curious lang kami kung bakit iniwan ni Ella ang dating management company niya?

Anyway, tama ba kaming kapatid ni Jennylyn Mercado ang role ni Ella sa The PreNup? Hindi kasi siya masyadong na-interview sa presscon dahil natutok kina Jennylyn, Sam Milby, at director Jun Lana ang tanong ng press people.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

ELLA

GLAIZA

HINDI

LANG

LOVI

NBSP

ROCCO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with