^

PSN Showbiz

Sa mahal ng singil, Heart puwede nang mabuhay sa pagpipinta ng handbags

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Para magawang mabuti nina Heart Evangelista at Lovi Poe ang mga confrontation scene sila sa Beautiful Strangers, nagyayakapan muna silang dalawa para makaiyak.

Nag-spoiler si Heart na may mangyayari sa karak­ter niyang si Kristine, pero wala itong detalyeng ibinigay para hindi ma-preempt ang story na pinaghihirapan ng mga writer.

Anyway, bukod sa taping, nagpapa-busy din kay Heart ang handbag painting. Ito ‘yung P60,000 ang kanyang singil sa kahit anong size sa mga gustong magpa-personalize ng designer bags. It takes her one to three days to finish one handbag painting at sa rami ng nagpapa-handbag painting, may waiting list na siya.

Binili rin ng Sterling notebook ang lima sa kanyang paintings para gawing cover. Fifteen percent ng notebook sales ang napupunta sa kanya at sa rami nang bumibili ng notebook, malaki-laki ang magiging share ni Heart.

Puwede nang gawing hanapbuhay ni Heart ang handbag painting, pero hindi niya maiwan ang showbiz na naging mabait at maraming naituro sa kanya.

Samantala, isa si Heart sa guest sa Felix Ma­nalo at siya si Ka Tenny na nasangkot sa kontrobersya kasama ang anak nang itiwalag sila sa INC. Pero hindi ‘yun tinalakay sa pelikula, hindi kasama sa movie ang mga bagong isyu sa INC. Proud si Heart maging part ng pelikula.

Wrong timing kasi may BF Rich negang-nega sa pagbubunyag ng kargada ni Aljur!

Sa Instagram (IG) ni Aljur Abrenica nagsumbong ang fans nito sa pagiging kiss and tell ng ex-girlfriend nitong si Rich Asuncion. Nag-guest si Rich sa podcast ni Mo Twister at doon sinabing gifted si Aljur na bagay sa kagaya niyang malaking babae.

After ng ilang taong pagde-deny, aaminin din pala ni Rich ang na­ging relasyon nila ni Aljur. Kaya lang, parang wrong timing ang ginawa ni Rich dahil nananahimik si Aljur at may boyfriend siya ngayon. Ano kaya ang reaction ng BF niyang Fil-Aussie na si Benjamin Mudie?

Natutuwa pala ang fans ni Aljur na sunud-sunod ang labas niya sa TV. Nag-guest sila ni Kris Bernal sa isang episode ng Wagas, may guesting din siya sa Bubble Gang.

Wish ng fans ni Aljur, magkaroon na siya ng regular soap at maging part siya ng gag show habang wala pa siyang regular soap.

Panganay nina Marian at Dingdong may baby shower na, maa-announce na ang pangalan

Pinost ni Dra. Vicki Belo ang pink invitation card na natanggap mula kay Marian Rivera para sa baby shower ng baby nila Marian at Dingdong Dantes. Sabi ni Dra. Vicki “This is the cutest invitation to the baby shower of the coming little princess of @therealmarian & @dongdantes. Wonder what she still doesn’t have.”

Siguro sa baby shower, ia-announce ni Marian ang name ng baby nila ni Dingdong.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BENJAMIN MUDIE

BUBBLE GANG

DINGDONG DANTES

DRA

FELIX MA

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with