^

PSN Showbiz

Date nina Alden at Maine, lumampas sa kotang 10-M

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga nanood ng pilot episode kahapon ng CelebriTV.

Happy ako, pati na sina AiAi Delas Alas at Joey de Leon dahil maganda ang feedback sa aming show na punumpuno ng happiness.

Pinakamasaya si AiAi dahil natupad ang kanyang plano na dalawang beses na magpalit ng damit sa show namin. Feel na feel ni AiAi ang kanyang mga outfit of the day.

Mga special guest namin sa pilot telecast ng CelebriTV sina Willie Revillame at Alden Richards.

Hindi nagpaawat si Willie dahil namudmod siya ng datung sa studio audience kaya nagmistulang naging extension ng Wowowin ang CelebriTV.

Ang jacket ng Eat Bulaga ang gift ng CelebriTV kay Willie at binigyan naman nito ng Wo­wowin jacket si Papa Joey.

Ang guesting ni Willie at ang one-on-one interview sa kanya ni Papa Joey ang ebidensya na solid na solid ang friendship nila. Hinding-hindi na masisira ng mga intriga ang kanilang friendship, lalo na ngayon na pareho na silang mga Kapuso.

Past 4:30 na nang mag-umpisa kahapon ang CelebriTV dahil overtime ang mga show na sinundan namin.

Kasi naman, milyun-milyon ang nanood kahapon ng date nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

As of 5 pm yesterday, lampas na sa 10 million ang tweets sa #ALDUBMostAwaitedDate. May mga hula pa nga na baka umabot sa 12 million ang tweets tungkol sa date nina Alden at Yaya Dub.

Sa totoo lang, nag-enjoy din ako sa panonood dahil relaxed lang ako kahapon sa bahay habang kilig na kilig ang mga kasama ko.

May lakad sana ako pero nakiusap ang kasambahay ko na si Mel Balili na i-postpone namin para sa ibang araw ang appointment ko dahil gustung-gusto niya na mapanood ang first ever date nina Alden at Yaya Dub. Kung anu-ano ang dahilan na sinabi ni Mel at napaniwala niya ako.

Ewan ko lang kung na-guilty si Mel sa kanyang ginawa dahil tinalbugan siya ni Yaya Dub.

Iniwan ni Yaya Dub ang  pakikipag-date kay Alden dahil mas mahalaga sa kanya na mapainom ng gamot si Lola Nidora.

Ganda ni Yaya Dub sa madir namana

Ikinatuwa ng fans ang pagbibigay-pugay ni Alden Richards sa mga magulang ni Yaya Dub na nagpunta kahapon sa studio ng Eat Bulaga.

Si Alden ang kusang lumapit sa mga magulang ni Yaya Dub at nagbigay-galang.

Alam na ngayon ng fans ni Yaya Dub kung kanino nito namana ang kanyang kagandahan. Maganda ang madir ni Yaya Dub na regular customer ng shop ni Bambbi Fuentes sa Timog Avenue.

Mga negosyante ang madir at fadir ni Yaya Dub pero hindi ito nagkukuwento tungkol sa pribadong buhay niya at ng kanyang pamilya.

Buti pa si Dingdong Robin kinalimutan na sina Bong at Papa Jinggoy?!

Touched na touched ako nang malaman ko na pumunta kahapon si Dingdong Dantes sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Binisita ni Dingdong sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

Mabuti pa si Dingdong, nakahanap ng time para madalaw sina Bong at Papa Jinggoy.

Si Robin Padilla kaya, kailan bibisita kina Bong at Papa Jinggoy?

Isang taon at tatlong buwan nang nakakulong ang dalawa sa Camp Crame pero hindi ko pa nababalitaan na dinalaw sila ni Robin.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

CAMP CRAME

DAHIL

DUB

EAT BULAGA

MGA

PAPA JINGGOY

PAPA JOEY

YAYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with