^

PSN Showbiz

John Lloyd hindi interesadong panoorin ang paglalandi ni Angelica!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Abala na ngayon sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa sequel ng pelikulang One More Chance na kanila ring pinagbidahan noong 2007. Pumatok noon ang mga karakter nina Popoy at Basha at ayon kay John Lloyd ay medyo naninibago pa siya ngayon sa kanilang bagong proyekto. “Siyempre lahat naman ng pelikula or kahit ano na nagsisimula, medyo siyempre hindi pa masyadong familiar, hindi pa second skin,” bungad ni John Lloyd.

Mayroong payo ang aktor para sa lahat ng tagahanga ng kanilang tambalan ni Bea. “Huwag muna masyadong mataas ang expectations kasi actually mahirap eh. You’re talking about eight years magmula no’ng nakita ang movie ng mga tao. We’re hoping na kung ano man ‘yung nagawa namin and kung saan man nadala ‘yung istorya, sana magustuhan nila,” giit ni John Lloyd.

Samantala, namamayagpag naman sa ratings ang teleseryeng Pangako Sa ‘Yo kung saan kabilang ang kasintahan ng binata na si Angelica Panganiban. Palaban ang karakter ng aktres bilang si Madam Claudia Buenavista na noong Biyernes ay may ilang intimate scenes kasama si Alex Medina. “Well so far medyo mas mahirap na ‘yung mga scenes na ginagawa namin at nakakaaliw naman. Ako so far na-i-enjoy ko. Kasi sobrang sarap katrabaho ng mga kasama ko do’n lalung-lalo na si Jodi (Sta. Maria), talagang sobrang giving na artista,” nakangiting pahayag ni Angelica. Bihira lamang daw mapanood ni John Lloyd ang kasintahan sa telebisyon. “I know it is such a successful show pero ako I’ve been working on ‘yung bago naming movie ni Bea and hindi tayo medyo nakakapanood ng TV lately,” pagtatapat ng binata.

Sitti gusto na agad magka-baby

Kamakailan ay nailunsad na ang bagong album ni Sitti Navarro na may titulong Singles Bossa Nova Trio. Masayang-masaya ang Bossa Nova Queen dahil bahagi rin ng nasabing album ang kanyang mga sariling komposisyon. “Sobrang saya ko na makapaglabas kami ng bagong album this time, ‘yung compositions ko ang bida sa album na ito,” pahayag ni Sitti.

May 29 nang magpakasal sina Sitti at Joey Ramirez at sa loob ng apat na buwan ay marami nang nabago sa buhay ng singer bilang asawa. “I feel deeper, parang mas may kabuluhan lahat, may hugot lahat, mas masaya, mas panatag. What I love about my husband is he still pushes me to work, to sing. So kung mawawala man ako ng ilang linggo for his work ay nakakabawi naman sa singing ko. Whatever I do, he will support me, he’s very supportive,” pagbabahagi ni Sitti.

Kung papalarin ay gusto na raw magkaroon ng anak ng singer. “Kapag ibinigay ni Lord, go!” pagtatapos niya.

vuukle comment

ACIRC

ALEX MEDINA

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

BEA ALONZO

BOSSA NOVA QUEEN

JOEY RAMIREZ

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

SITTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with