^

PSN Showbiz

Piolo mas gusto ang chocolates kesa sa sex!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Silong nina Piolo Pascual and Rhian Ramos.

Nauna na itong ipinalabas sa Cinemalaya pero limited ang nakapanood at ngayong araw ay magbubukas ito sa mahigit 100 theaters.

Ayon sa ilang mga nakapanood na, wow ang lovescenes nina Piolo at Rhian as in bigay na bigay daw ang dalawa.

Mawawala raw lahat ng malisyosong kuwento kay Piolo sa ginawa nila ni Rhian dahil talagang mahusay si Piolo sa bedscenes nila.

Ganundin daw si Rhian. Malakas ang landi sa screen sa kakaiba niyang role sa first movie nila together.

Anyway, nang mag-guest nga pala ang dalawa sa Aquino and Abunda Tonight noong Lunes ng gabi, may tanong si Tito Boy Abunda kay Piolo kung sex or chocolates ang choice ni Piolo chocolates. Pero may pahabol naman siya ‘sa ngayon.’

9-M followers ng Kathniel walang magawa sa AlDub

Uy dapat gumawa ng ingay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, or else baka mapag-iwanan na sila kahit na nga maganda naman ang rating ng kanilang Pa­ngako Sa ‘Yo. Aba, sa nangyayari ngayon, malakas na malakas ang dating nina Alden Richards at Yaya Dub dahil sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Sunud-sunod ang endorsement nila at super active ang fans nila sa Twitter. Araw-araw trending. At least sina James Reid and Nadine Lustre maingay na maingay dahil sa patok nilang seryeng On The Wings of Love. Besides, balitang kasama ang JaDine sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Vice Ganda and Coco Martin at halos gabi-gabi no. 1 topic din sila sa OTWOL.

Eh si Kathryn more than 5 million ang followers sa Twitter habang si Daniel ay may 4.2 million. So bakit ‘di sila maka-maintain ng no. 1 sa Twitter?

Ejay bulag-bulagan sa ginawa ni Ellen

Wow, mukhang blinded by love si Ejay Falcon kay Ellen Adarna.

Matapos maglabasan ang balitang nilayasan siya ng ka-date sa Star Magic Ball dahil nalasing ang sexy actress at sumama kay Paulo Avelino, agad-agad na dumepensa ang actor sa kanyang Facebook account.

“Pls dont judge her. She’s an amazing date. Nag-enjoy ako kasama siya. Wala rin namang problema na makipagusap siya sa mga malapit nya rin na kaibigan. Party naman yun so natural lang na mag-interact sa ibat ibang tao:) Happy at thankful pa rin ako na pumayag siya maging date ko. I wouldnt change a thing?,” post ng actor sa kanyang FB account.

Kahit naman sa presscon kamakailan ng Pasion de Amor ay obvious na si Ejay lang ang may ‘feelings’ sa sexy actress na balita namang matagal nang type si Paulo Avelino.

SUV ni Baron wasak sa truck

Trending si Baron Geisler sa Twitter kahapon. Ito ay matapos masabitan ang kanyang SUV ng isang 16-wheeler truck sa Pasig City Martes ng madaling araw.

Ayon sa mga unang balita, nakainom daw siya. Pero may ibang balita naman na galing daw ito sa taping.

Pero agad nagpaliwanag si Baron sa kanyang Facebook account na hindi siya lasing at puwede itong patunayan sa police report.

“I was interviewed by Channel 5 while I was at the Pasig Police Headquarters. Do not be quick to judge that I was drunk. The police report and interview will prove otherwise.

To those who wished me well, thank you. God bless you!,” pahayag niya sa kanyang Facebook account.

Hindi pa natatagalan nang kumalat din sa social media ang pagwawala niya sa may entrance ng isang bar sa Olongapo matapos umanong hindi siya papasukin.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

AYON

FACEBOOK

PAULO AVELINO

PERO

PIOLO

RHIAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with