^

PSN Showbiz

Pagkakaayos nina Piolo at KC, ikinagalak ng lahat

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman ibig sabihin na kahit magkasama sa picture ay nagkabalikan na ang dating magdyowang Piolo Pascual at KC Concepcion pero nakakatuwa lang ibalita na friends na silang muli. Naganap ang kanilang reconciliation sa London kung saan ay nagkaro’n ng show ang ASAP. Kung ‘yung pagiging “on speaking terms” nila na sinabi ni Piolo prior sa kanilang tuluyang pagbabati ay nakapagpasaya sa marami nilang fans and followers, ‘yun pa kayang makita ang larawan nilang magkasama na ipinost sa social media?

Talagang ang pagbabati ng dalawa calls for a much much bigger celebration. Pero sa ngayon, hayaan na lang muna natin sila.

Delubyo sa Edsa!

First time ko yata ‘yun nung Martes ng gabi na abutin ng limang oras sa kalsada ng EDSA para lang makahanap ng masasakyan pero ni isang bus man o taksi ay walang akong nakitang dumaan sa napakaabalang bahagi na ‘yun ng Q.C. Kung sabagay, wala akong dapat ipagtaka, lubhang napakalakas ng ulang umabot ng mga dalawang oras bago humupa. Hindi ko alam kung saan ako sisilong dahil napalalakas din ng kulog at kidlat.

Mga dalawang oras bago nagsimulang magkaro’n ng kaguluhan sa EDSA. Isa-isa nang dumating ang mga sasakyan, ‘yung mga bus walang pagsisidlan ng sasakay. ‘Yung taksi, walang sakay pero, ‘di namamansin. Umatras ako dahil hindi ko kaya ang unahan sa pagsakay. Sa mga bumaba ko narinig na napakabigat na taffic ang sinagupa nila. Ayaw magsakay ng taksi dahil barado ang Commonwealth Ave. May isa o dalawa na tumigil sa akin, pero nang malaman na sa Zabarte ang destinasyon ko ay umalis na lang ng bigla. May isa na hinihingan ako ng P750 na ikinagalit ko nang husto sa sobrang pang-aabuso. Dito na ako nagsimulang maghanap ng pulis pero wala ni isa man lamang akong nakita. Nasaan ‘yung police visibiliy na ipinangangalandakan ng gobyerno? Mga 12 na ng gabi nang makakita ako ng isang isang police mobile na pinara ko para magsumbong at hingan ng tulong. Pero tumawag sila sa Station 10 nila. Nangako silang babalikan ako. Binalikan nila ako sa aking pagkakaupo sa harap ng Jollibee sa EDSA/Kamias kung saan ay napakaraming tao ang nag-ipon-ipon, dahil sarado na ang sikat na fast food chain. Nakakatakot na. Pero siguro ay suwerte pa rin ako at binalikan ako ni mamang pulis at naikuha ako ng taksi.

Takot lang ng taxi driver na tanggihan siya. Sa akin, wala silang pakialam pero kay mamang pulis, may sabit siya.

May isang senior citizen din na nakisabay sa akin. Hindi ako natakot na isabay siya. Kaya ko siyang labanan in case masama siyang tao. Kapareho ko rin pala siyang walang masakyan. The policeman refused to give me his name. Pasasalamatan ko lang sana siya rito sa column ko, pero just the same, salamat sa kanya nang malaki.

Kung nakita ko siya ng mas maaga, baka hindi ako inabot ng limang oras sa EDSA. Kaya kayo rin, kapag ganun ang panahon, at hirap kayong makasakay ng taksi, humanap kayo ng pulis at sila ang paparahin n’yo ng sasakyan. Siguradong makakasakay kayo dahil hindi sila matatanggihan ng mga taxi driver.

Sana nakarating ng maayos sa bahay niya ang nakasakay kong si Margie Garcia. Salamat dun sa taxi driver ng ECT Taxi TXW 770 na nagngangalang Richard Villarin na humanga pa sa ginawa kong paghingi ng tulong sa pulis. Kung hindi raw ay talagang walang titigil sa akin dahil nga sa traffic, na totoo naman dahil inabot kami ng siyam-siyam sa Commonwealth. Titigil na daw  sana siya sa biyahe at magpapalipas ng traffic, pero nakuha nga siya ng pulis na hiningan ko ng tulong kaya nawalan siya ng choice.

Kris tuloy na tuloy na kay Mayor Herbert

Magandang balita rin para sa mga tagasubaybay ng hindi matuluy-tuloy na romansang Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino ang pagkumpirma ng presidential sister sa balitang matutuloy na finally ang paggawa nila ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Mr. & Mrs. Split under Antoinette Jadaone.

Okay na si Kris, wala nang iniindang sakit, pero may mga gamot na pang-maintain ng kanyang tuloy na paglusog. Sinabi rin ni Kris na hindi mawawala sa ere ang Kris TV. Walang dahilan para itigil ang pagpapalabas nito dahil sa mataas na rating.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANTOINETTE JADAONE

COMMONWEALTH AVE

DAHIL

HINDI

MGA

NBSP

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with