^

PSN Showbiz

Maja at Piolo ‘nagpapanggap’ na magkarelasyon sa London!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkalat ang Kapamilya stars sa London. Yup, sumugod ang mga taga-ASAP para sa  ASAP Live in London  na gaganapin sa The SSE Arena W­embley ngayong Linggo (Sep 6).

Yup, all set na ang mga kalahok sa The Filipino Channel (TFC) event sa Europe at puspusan na ang kanilang pagre-rehearse. Kumpirmado ring magpe-perform sa show ang legendary British band na Spandau Ballet, vocal group na Blake pati na rin ang cast ng Miss Saigon.

Pero hindi agad ito mapapanood ngayong araw sa ASAP. Ibang episode muna ang eere kung saan may all-star showdown ang programa kasama ang Your Face Sounds Familiar season one contestants na sina Nyoy Volante, Jay-R, Jolina Magdangal, Karla Estrada at grand winner Melai Cantiveros.

Isang tribute naman ang iaalay kay Kuh Ledesma, habang supah album launch ang ibibigay ni The Voice of the Philippines heartthrob Daryl Ong.

May Supah birthday blowout din para kina Arnel Pineda, Inigo Pascual at Aiza Seguerra na sasabayan din ng supah reunion ng ASAP It Girls na sina Liza Soberano, Julia Barretto, Janella Salvador, at Kathryn Bernardo.

Samantala, concert level performance naman ang ihahandog ng Popstar na si Sarah Geronimo at extreme supahdance performances naman ang ihahataw nina Maja Salvador, Rayver Cruz, Arron Villaflor, Kim Chiu, Enrique Gil, at Sarah Lahbati.

Tuloy rin ang kwela kantahan handog nina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa Karaokey with special guest Melai Cantiveros, at aktingan handog nina Maja, JC De Vera, Ate Gay, Negi, Thou Reyes, at John Lapus.

Speaking of ASAP sa London, maraming nagre-react sa ka-sweetan nina Piolo Pascual at Maja Salvador. Meron kasi silang mga photo na magka-­holding hands at meron tipong nagli-lips to lips na ini-upload ni Maja sa kanyang Instagram account. Kaya naman hindi sila nakalampas sa bashers. Pinaglalaruan sila at kung anu-anong sinasabi. Pero hindi pinaiiral ni Maja ang pagiging patola, dedmatic lang siya.

Viewers ng EB, nakatutok din sa Twitter

Wow, kahapon ay wala yatang ginawa ang mga nanood ng Eat Bulaga kundi mag-tweet nang mag-tweet dahil umabot sa 4 million tweets ang pagkikita nina Alden at Yaya Dub.

Imagine habang nanonood nagti-tweet. Multi-tasking talaga at hindi masyadong busy ang viewers.

Iba na talaga ang panahon ngayon na habang nanonood nagso-social media kumpara noon na panay lang ang kain mo.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALEX GONZAGA

ANG

ARENA W

ARNEL PINEDA

ARRON VILLAFLOR

ATE GAY

MAJA

MAJA SALVADOR

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with