^

PSN Showbiz

Lovi ipinagpalit ni Rocco sa ibang babae!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sobrang sakit para kay Joyce (Lovi Poe) na makita si Noel (Rocco Nacino) na may kasamang babae. Hindi niya inakala na kaya siyang ipagpalit ni Noel sa iba. Sisisihin tuloy ni Joyce ang Diyos sa pagkawala ng lahat sa kanya. Una ang kanyang anak, ang kanyang ama, at pati na rin si Noel. Lingid pa sa kaalaman niya ang katauhan ng bagong babaeng iniibig ni Noel.

Naghanda si Noel ng isang birthday surprise para kay Kristine (Heart Evangelista). Iimbitahan ni Noel ang buong pamilya ni Kristine sa isang resort upang doon mag-celebrate. Si Lourdes (Ayen Laurel) pa mismo ang tatawag at mag-iimbita kay Ronaldo (Christopher de Leon). Doon ay maipapakilala ni Kristine si Noel kay Ronaldo. Mababanggit ni Noel kay Ronaldo ang kakilala niyang nais magtrabaho noon sa Castillo Realty. Walang kaalam-alam si Ronaldo na ang tinutukoy ni Noel ay si Joyce.

Mababalitaan ni Kristine ang pagkawala ni Leah (Lovi Poe). Alala si Kristine para kay Leah dahil sa pagkakaalam niya ay wala pa rin ito sa sariling katinuan. Hindi niya alam na dadalawin siya nina Joyce at Imelda sa ospital nung araw ding ‘yun. Lalapitan na sana ni Joyce si Kristine pero laking gulat nito nang makita niya na nakayakap si Kristine kay Noel.

vuukle comment

ANG

AYEN LAUREL

CASTILLO REALTY

HEART EVANGELISTA

KAY

KRISTINE

LEAH

LOVI POE

NOEL

ROCCO NACINO

RONALDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with