^

PSN Showbiz

Rocco natagpuan si Lovi sa ospital!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Painit na nang painit ang yugto ng Beautiful Strangers ngayong linggo

Makikilala ni Joyce (Lovi Poe) ang beking taong grasa na si Shakira (Nar Cabico) at magiging magkaibigan ang dalawa. Bukod kay Shakira ay magkukrus din ang landas nina Joyce at Kristine (Heart Evangelista).

Maaawa si Kristine sa kalagayan ni Joyce. Magiging tambayan nina Joyce at Shakira ang ospital kung saan nagtatrabaho si Kristine. Madalas na bigyan ni Kristine ng pagkain ang taong grasa.

Samantala, magkakaproblema si Kristine sa lovelife niya. Magkikita ulit sila ni Noel (Roco Naccino) na tutulong naman ngayon sa kanya.

Magiging magkaibigan sila at kakaibiganin din ni Kristine si Joyce.

Pupuntahan ni Noel si Kristine sa ospital at sa labas nito ay naroon si Joyce.

Lalo pang magkakalapit sina Kristine at Noel. Tuturuan pa ni Noel si Kristine na magmaneho. Makikilala nina Lourdes (Ayen Munji-Laurel) at Leslie (Mariel Pamintuan) si Noel. Unti-unti ay mahuhulog ang loob ni Noel kay Kristine. Makikita sila nina Imelda (Lovely Rivero) at Jason (Renz Valerio).

Hindi matatanggap ni Jason na ipinagpalit na ni Noel si Joyce sa ibang babae. May balak na masama si Jason kasama ng mga kaibigan niya at si Kristine ang puntirya nila.

May magliligtas kay Kristine at ito’y walang iba kundi si Joyce. Siya ang malalagay sa panganib. Dadalhin siya sa ospital para gamutin. Magkakaroon ng mala­king utang na loob si Kristine kay Joyce.

Mapagdedesisyonan ni Kristine na tulungan si Joyce na gu­maling.

Takot naman na si Noel  na masaktan ulit. Iiwasan niya si Kristine na ikagagalit naman nito. Pero hindi rin kakayanin ni Noel na mawala ang babae sa buhay niya. Maglalasing siya’t mapapaaway. Dara­ting si Kristine para alagaan si Noel.

Magiging buo na ang desisyon ni Noel na sabihin ang tunay niyang nararamdaman kay Kristine. Sisimulan na rin ang gamutan na gagawin kay Joyce.

Sa pagkakataong ito ay makikita ni Noel si Joyce sa ospital. Maging si Joyce ay makikita rin si Noel at agad itong tatakbo patungo sa lalaki.

Yayakapin ni Joyce ang lalaki pagkalapit nito sa kanya. Ito na kaya ang pagtatagpong pinakahihintay ng dalawa?

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYEN MUNJI-LAUREL

BEAUTIFUL STRANGERS

HEART EVANGELISTA

JOYCE

KRISTINE

LOVELY RIVERO

MAGIGING

NOEL

SHAKIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with