^

PSN Showbiz

Magiging ‘anak’ ni Derek kamukhang-kamukha ni Angelica

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Big no-no for Derek Ramsay ang pagkakaroon ng benefits with his ex girlfriends.

“For me that’s a big no-no. It will destroy whatever friendship you have after the breakup. Para sa akin, ang nakukuha ko na benefit from an ex is ‘yung mga memories na you had with them,” sabi ng actor sa presscon ng ‘comeback’ film niya with Star Cinema and Viva Films.

Anyway, ready na si Derek in case na magkita sila ng ex niyang si Angelica Panganiban sa bakuran ng ABS-CBN habang nagpo-promote siya ng Ex with Benefits.

“Pinalaki ako na magbigay ng respeto. If I see her, of course, I’ll say ‘Hi.’ If she doesn’t accept it, I’m not gonna take it as an insult. That’s her take on things. Sana one day, we can talk like this and let bygones be bygones,” pahayag ng actor sa inaasahan nilang pagkikita.

Pareho na silang may kanya-kanyang karelasyon sa kasalukuyan. Si Angelica ay may John Lloyd Cruz at si Derek ay girlfriend ang model and single mom na si Joanne Villablanca.

Pero ang nakakatawa, kuwento ng actor, kamukhang-kamukha ni Angelica ang anak ni Ms. Villablanca na walong taong gulang.

“She looks exactly like Angelica Panganiban when she was a kid,” sabi ng actor.

At any rate, showing na sa September 2 ang pelikula na dinirek ni Gino Santos.

Kasama rin nila sa movie si Meg Imperial.

INC meron na sa anim na continent, pagdating ni Ellen Degeneres walang magkumpirma

Hindi makumpirma ni INC Spokesperson Edwil Zabala ang bali-balitang darating sa bansa ang sikat na host na si Ellen Degeneres bago ang showing ng pelikulang Felix Manalo. May nagbulong kasi kamakailan na darating ito ng Pilipinas dahil inimbita nga raw ng Iglesia ni Cristo para nga i-cover ang bioflick ng nagtatatag ng INC sa bansa na si Mr. Felix Manalo na ginampanan ni Dennis Trillo. Pero as of presstime, bukod kay Mr. Zabala, hindi rin makumpirma ng Viva Films, kasamang producer ng INC para sa Felix Manalo ang tungkol sa naging tsika. Wala raw silang alam although nagkaroon din daw ng isyu noon na maggi-guest ang mga bida ng pelikula sa programa ng sikat na host.

Kung sabagay, hindi na nila kailangan ng sobrang laki ng promo dahil sa mga miyembro pa lang INC, tiyak na magiging box office na ang pelikula. Kaya nga ‘di ba, sila ang nilalapitan ng maraming pulitiko tuwing eleksyon dahil sa kanilang solid na suporta.

Pero walang binigay na exact figure si Mr. Zabala kung ilan na nga ang miyembro nila sa Pilipinas at sa anim na continent sa mundo. Yup sa anim na kontinente, kaya sa Antartica na lang sila walang kapilya. Pero sa Africa, Asia, Australia/Oceania, Europe, North America, and South America, meron na silang mga miyembro. Sa October 7 ang showing ng Felix Manalo movie at sa October 4 ang premiere night sa Philippine Arena na inaasahang magbi-break sa record ng Guinness World Record sa rami nang dadalo sa isang premiere night ng pelikula.

Matapos mahirapang huminga, Nadine balik-trabaho

Balik-trabaho na uli si Nadine Lustre matapos isugod kamakailan sa hospital dahil nahihirapan umano itong huminga. Tuluy-tuloy kasi ang trabaho ni Nadine at James Reid para sa On The Wings of Love na mas tumaas pa ang rating last week. Inubo raw kasi ng grabe si Nadine kaya nahirapang makahinga. Pero agad naman siyang dinalaw ni James kaya mabilis daw na gumaling si Nadine.

Bukod sa taping ng On The Wings of Love, nag-shoot na rin for a commercial si Nadine.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

DENNIS TRILLO

DEREK

ELLEN DEGENERES

FELIX MANALO

MR. ZABALA

NADINE

ON THE WINGS OF LOVE

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with