^

PSN Showbiz

Dennis dalang-dala sa Felix Manalo movie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Simula kahapon, napapanood na ang trailer ng Felix Manalo, ito ‘yung pelikula ng Viva Films na ang original title ay Ang Sugo at pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Ni-launch sa Viva YouTube Channel ang first teaser trailer at sa gustong masilip ito, bisitahin lang ang https://www.youtube.com/user/Viva entertainment001 at i-search ang: FELIX MANALO TEASER TRAILER.

Sa October 7 na ang showing ng pelikula nationwide na tinatampukan din ni Bela Padilla sa direction ni Joel Lamangan. Ang ganda ng trailer at nakita namin sina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Gladys Reyes, Heart Evangelista, Rey Abellana, Christopher Rojas, Gabby Concepcion at marami pang ibang ‘di namin nakilala dahil sa makeup.

Ibang-ibang Dennis ang mapapanood sa Felix Manalo sa napapanood sa kanya sa My Faithful Husband.

Kung sa teleserye ay isa siyang su­nud-sunurang househusband at niloko pa ng kanyang asawa, sa pelikula ay dalang-dala niya ang karakter ni Felix Manalo na ginagampanan.

Anyway, nakakabilib si Dennis dahil hangga’t maaari ay ayaw niyang pagsabayin ang taping at shooting. Nag-abot lang ang taping ng soap nila ni Jennylyn Mercado dahil nagkasakit si direk Joel, pero kung hindi nagkaaberya, sa taping ng My Faithful Husband lang ang focus ni Dennis.

Nanghinayang ito na hindi niya nagawa ang isang episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, pero may ibang movie siyang gagawin sa Viva Films.

Iniwan na talaga ang kapatid? Valeen tuluy-tuloy ang mga trabaho sa Kapuso

Hindi na pala First Daughter ang title ng morning soap nina Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, at Eula Valdez na papalit sa The Ryzza Mae Show. Pinalitan ang title ng Princess in the Palace na mas maganda at mas bagay sa story.

Sa September na raw ang airing ng nasa­bing soap na kundi nagbago ang role ni Aiza ay gaganap siyang personal bodyguard ni Ryzza na anak ni Eula na president ng bansa ang role.

Kasama sa cast sina Neil Perez, Kitkat na talent ng Star Magic ng ABS-CBN at Valeen Montenegro na second show na sa GMA 7 dahil kasama siya sa Sunday PinaSaya. Magiging tatlo pa ang show nito ‘pag pumasok na siya sa Eat Bulaga, ibig kayang sabihin nito, tuluyan na niyang iniwan ang TV5?

Alice mauurirat na sa mga mas batang tagahanga

Mamaya na ang presscon ng Mari Mar at sana present si A­lice Dixon para masagot ang mga isyu sa kanya. Kabilang dito ang pagkakaroon ng crush sa kanya ng ilang Kapuso hunks na mas bata sa kanya.

Kasama sa may crush kay Alice at very open sa pagpapahayag ng paghanga sa aktres si Benjamin Alves. Gusto nitong makatrabaho si Alice at ang request ay gawin silang magkapareha at hindi magkaibigan o magkapatid lang.

Si Alice ang gaganap na ina ni Mari Mar, sila ni Zoren Legaspi ang mga magulang ni Mari Mar. May eksena si Alice na buntis, pero ang ganda-ganda pa rin. No wonder marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ANG

ANG SUGO

BELA PADILLA

BENJAMIN ALVES

FELIX MANALO

MARI MAR

MY FAITHFUL HUSBAND

NBSP

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with