^

PSN Showbiz

Mariel hindi namahinga kaya naagasan na naman?

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung na-depress ang mag-asawang Ro­bin Padilla at Mariel Rodriguez sa pagkawala ng kanilang magiging unang supling last March, lalong na-devastate ang couple nang sa ikalawang pagkakataon ay muling nawala ang pa­ngalawang ipinagbubuntis ni Mariel na trip­lets last Wednesday, August 12.

Robin had to cut short his trip to Spain to be with his wife na maselan ang pagbu­buntis. Nag-back out din siya sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Nilalang kung saan sana niya makakasama ang Japanese pornstar na si Maria Ozawa para personal na maalagaan at matutukan ang kanyang misis. Pero sa kasamaang palad ay muling nagka-miscarriage si Mariel.

Although bata pa si Mariel at puwede pa itong mabuntis uli, wala pa ring guarantee na kakapit nang husto ang bata hanggang sa umabot ito sa full term ng kanyang panganganak.

Kapag muling nabuntis si Mariel, ka­ilangan talaga niya ng total bed rest tulad nang ginawa noon ni Gov. Vilma Santos nang kanyang ipagbuntis ang anak nila ni Sen. Ralph Recto na si Ryan Christian. Dahil sa maselang pagbubuntis noon ni Gov. Vi, pansamantala niyang iniwan ang kanyang showbiz career  na naging successful naman dahil isang malusog, matalino, at guwapong Ryan Christian ang kanyang isinilang.

Nangupahan pa noon ang mag-asawang Sen. Ralph Recto at Gov. Vi ng isang condo na malapit lamang sa Makati Medical Center para hindi siya (Gov. Vi) matagtag sa biyahe sa tuwing may pre-natal check-up siya with her OB-Gyne.

Daig pa noon ni Gov. Vi ang may sakit dahil siyam na buwan siyang naka-confine sa loob ng inupahang condo.

Piolo hindi sineryoso si Shaina?!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay matutunghayan sa Cinema One ang first breakthrough cable TV series na pinamagatang Single/Single na tinatampukan ng unang tambalan nina Shaina Magda­yao at Matteo Guidicelli at pinamamahalaan ng international award-winning independent cinema d­i­rector na si Pepe Diokno mula sa panulat ng Palan­ca winner na si Liit Reyes.

Ang Single/Single na tinatampukan din nina Anna Luna, Brian Sy, Mara Lopez, Matt Dacian, at Cherie Gil ay mapapanood tuwing Sabado ng gabi sa ganap na ika-8 at magkakaroon ng replay tuwing Miyerkules ng 8:30 p.m. at Sundays at 10 p.m.

Samantala, aminado si Shaina na nanatili siyang single and loveless hanggang ngayon matapos ang kanyang controversial break-up with John Lloyd Cruz. There was also a time na na-link siya kay Piolo Pascual pero hindi nila ito inamin sa publiko hanggang sa tuluyang maglaho ang kanilang ina­asahang relasyon.

Sa part naman ni Matteo, alam ng lahat na masaya ang kanyang lovelife dahil nariyan ang kasintahang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG SINGLE

ANNA LUNA

BRIAN SY

KANYANG

MARIEL

RALPH RECTO

RYAN CHRISTIAN

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with