^

PSN Showbiz

KC gusto pang kilalanin ng isang taon ang idini-date na European

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si KC Concepcion na mayroong nakikipag-date sa kanyang foreigner ngayon. Nakabase raw sa Middle East ang binata ayon sa aktres. “Yes, I’m dating. Quietly lang, European. Ayaw kong maudlot. He’s European, he lives in the Middle East, pero back and forth siya,” nakangiting pahayag ni KC.

Maraming natutunan ang dalaga sa mga naging relasyon noon kaya hanggang maaari ay hindi niya ibinabahagi ang lahat ng detalye sa publiko. “People will see and feel what you have, the love. They will see it so there’s no need to talk about it,” makahulugang pahayag ni KC.

Hindi raw nagmamadali ang aktres na muling pumasok sa isang relasyon kaya mas mabuting kilalanin muna nang husto ang bagong dini-date. “It’s ‘yung pagkatao talaga, ‘yung pagkatao niya. Kaya I don’t want na, porke’t may dine-date, kami na kaagad. You’ll never know, you have to really give it time. Sabi nila like 8 months to 1 year saka mo pa lang makikita ‘yung totoong kulay nung tao,” paliwanag ng dalaga.

Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng aktres at ng foreigner ngayon? “Dating, newly dating,” maikling sagot ni KC.

Albie ayaw nang pag-usapan si Andi, umamin din na ADHD

Malaki na raw ang ipinagbago sa buhay ni Albie Casiño mula nang lisanin ang Kapamilya network apat na taon na ang nakalilipas. Ngayon ay nagbabalik ang aktor sa ABS-CBN at kasama siya sa teleseryeng On The Wings na malapit nang mapanood sa Primetime Bida. “’Yung buong pagkatao ko, bago na. I mean, it’s been a long time since people have really seen me. I’m more equipped to handle everything that comes, like intrigues. I’m just a more mature person now,” bu­ngad ni Albie.

Matatandaang naging mailap sa media ang aktor noong kainitan ng isyu tungkol sa naging relasyon nila ni Andi Eigenmann. “I don’t like being put on the spot. That’s why I don’t like press conferences and stuff. It’s very hard for me. I have a hard time answering. I have ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) also, so natataranta talaga ako,” pagtatapat ni Albie.

Naka-move on na raw ang aktor sa kung ano man ang namagitan sa kanila ni Andi. “Now I can close that book of my life. It’s over. Time to move on. To be honest, I don’t like to talk about it but I’m not scared to talk about it or anything. I just rather not because it’s in the past. It’s just bad memories, it’s a bad experience. I don’t really want to talk about it anymore,” giit ni Albie.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

KAYA I

MIDDLE EAST

NOW I

ON THE WINGS

PRIMETIME BIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with