^

PSN Showbiz

Toni kakakasal pa lang nalosyang na!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Para namang haggard na haggard si Toni Gonzaga-Soriano nang mag-host ng PBB (Pinoy Big Brother) 737 noong Sabado ng gabi. Bukod sa hindi bagay ang hairstyle niya na kulot, hindi rin maganda ang isilo ng kanyang damit.

Dapat tinitingnan ito ng stylist niya para hindi sa­bi­hin ng mga manonood na kabagu-bago pa lang niyang may asawa ay nagmumukha na siyang los­yang. Ayaw ni direk Paul Soriano ng ganyan.

Ibang fans ayaw magpa-uto sa overpriced tickets sa concert ni Madonna

Hindi naman lahat ng can afford at may pambili ng concert ticket ni Madonna ay papatusin ang pagkamahal-mahal na concert. Gaya ni Robin Nievera na gaano man kaidolo ang sikat pa ring dayuhang icon ay nanghihinayang na gumastos ng malaking pera.

Meron din akong alam na isang showbiz family who can afford the price sa tickets, pero mas gugustuhing bumili na lamang ng tapes ng mga show ni Madonna at mag-marathon sa panonood sa kanilang bahay. Good idea.

Dingdong hintayin na lang ang plano

Huwag nang kulitin pa si Dingdong Dantes para tumakbong senador dahil wala pa siyang (o repeat, wala pa huh!) balak. Hanggang 2017 pa ang termino niya bilang pinuno ng National Youth Commission. Baka sa eleksyon after 2016, mabigyan na niya ng panahon ang pulitika.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

BUKOD

DAPAT

DINGDONG DANTES

NATIONAL YOUTH COMMISSION

NBSP

PINOY BIG BROTHER

ROBIN NIEVERA

TONI GONZAGA-SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with