^

PSN Showbiz

Dating taga-That’s na si Mikee Villanueva ipinagpalit ang mister sa kaopisina?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May nakarating sa aming balita na hiwalay na umano ang Las Vegas, Nevada-based singer-actress na si Mikee Villanueva sa kanyang Filipino (American citizen) husband na si Chris Cadiz kung kanino siya may tatlong anak.

Nakilala namin ng personal si Chris and his parents nang minsang magawi kami sa Las Vegas kasama ang Anaheim-based businessman at concert producer na si Tito Al Chu at ang veteran writer na si Ronald Constantino.

Napakabait ng parents-in-law ni Mikee at maging ang kanyang mister. Nakita namin kung gaano nila kamahal si Mikee at mga anak nito kaya nalungkot kami sa balitang hiniwalayan umano ni Mikee ang kanyang mister na kanyang ipinagpalit sa isang ka­sa­mahan sa opisina. Si Mikee ay isang cer­­tified paralegal at licensed property ma­nager sa Las Vegas.

Mikee star­ted out her showbiz career sa pagiging member ng That’s Entertainment at naging build-up contract star din siya ng OctoArts Films bago siya nagtungo ng Amerika in 2000 to marry Chris.

Toni inaabangan na ang pagkukuwento ng detalye sa kasal nila ni Direk Paul

Ngayong ipalalabas na sa April 4, Sabado de Gloria ang unang tambalan nina Toni Gonzaga at Coco Martin, ang rom-com na You’re My Boss na idinirek ng bagong box-office director na si Antoi­nette Jadaone under Star Cinema, sigu­ro naman ay magsi-share na si Toni sa details ng kanyang nalalapit na kasal kay Director Paul Soriano this June.

Very private ang nalalapit na pag-iisang-dibdib nina Toni at Direk Paul at wala ni katiting na detalye silang ibinabahagi sa publiko except na sila’y magpapakasal sa taong ito.  Walang date at lugar ng kanilang pagpapakasalan at kung sinu-suno ang magiging bahagi ng wedding entourage.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHRIS

CHRIS CADIZ

COCO MARTIN

DIRECTOR PAUL SORIANO

DIREK PAUL

LAS VEGAS

MIKEE VILLANUEVA

SHY

TONI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with