^

PSN Showbiz

Kahit doble pa ang TF Sharon inaayawan ang endorsement ‘pag hindi type ang produkto

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matatandaang kabi-kabila ang ineendorsong mga produkto noon ni Sharon Cuneta. Ayon sa Megastar, maraming alok din ang kanyang tinanggihan dahil hindi niya talaga ginagamit ang produkto. “Ever since, alam nila ‘yan, lalo na ‘yung mga nag-offer sa akin ng super laki, minsan doble ng fee. Ang pinakaproblema ko is kung paano sasabihin na, ‘Im sorry but I don’t use the product.’ Kasi feeling ko, binobola ko ‘yung audience ko, ‘yung fans ko na sumusuporta,” paliwanag ni Sharon.

Nagpapasalamat ang aktres na hanggang ngayon ay marami pa ring nagtitiwala at patuloy na sumusuporta sa kanya. Naintindihan naman daw ng mga natanggihang produkto ang naging desisyon ng Megastar. “Of course it’s a business but I was very fortunate, I was blessed to be in the position to decline. Kasi marami namang iba na talagang ginagamit o gusto mong gamitin,” nakangiting pahayag ni Ate Shawie.

“Anything I put my stamp on, anything I attach my name to had to be worth my while and my fans’ money and support. Nakakahiya naman kung hindi ‘di ba,” dagdag pa niya.

Samantala, sa pagbabalik ni Sharon sa Kapamilya network ay muling napapanood na ang aktres bilang juror sa programang Your Face Sounds Familiar tuwing Sabado at Linggo.

James at Nadine partners in crime ang set up

‘Partners in crime’ daw ang tawag nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang samahan ngayon. Matagal na ngang magkatambal sa mga proyekto ang dalawa pero hindi sila naging magkasintahan. “Parang it’s cool ‘di ba? I don’t call him my love team. I call him my partner in crime para maiba naman po,” nakangiting bungad ni Nadine.

“Partners in crime. We are not in a relationship, we’re friends. Between the two of us, we’re partners,” sagot naman ni James.

Nagpapasalamat daw ang dalawa sa lahat ng tagahanga na sumusuporta sa kanilang fan’s day na ginanap kamakailan. “Super saya kasi sila naman ang reason kung bakit gusto naming mag-perform kaya nagpupunta kami sa iba’t ibang lugar just to see them at ‘yung fans talaga namin ibang klase ang suporta,” pahayag ni Nadine.

“They’re amazing people. They follow us everywhere, even out of town,” dagdag naman ng aktor.

Abala na sina James at Nadine ngayon para sa teleseryeng On The Wings of Love ng ABS-CBN at pelikulang Para sa Hopeless Romantic na malapit nang mapanood ng mga sumusuporta sa kanila.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANYTHING I

ATE SHAWIE

HOPELESS ROMANTIC

JAMES REID

KASI

MEGASTAR

NADINE

NADINE LUSTRE

NAGPAPASALAMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with