^

PSN Showbiz

After eight years, Kim Chiu may bagong album

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang bagong album ang nakatakdang gawin ni Kim Chiu. Matatandaang walong taon na ang nakalilipas mula nang mag-release ng kanyang kauna-unahang album ang aktres. “Pinatulog ko lang ang boses ko for a while, wow! Something new, it’s my ninth year na rin sa showbiz sa June. Then magbi-birthday (April 19) na rin ako so regalo ko ito sa mga fans ko. Kasi nga sa mga shows ko abroad naggi-guitar ako, so parang ‘Album na, album na,’ ayun. I am very happy sa Star Records na binigyan ako ng offer and I am very happy and very excited na bumalik sa music,” nakangiting pahayag ni Kim.

Aminado ang dalaga na nakararamdam siya ng pressure ngayong muli siyang magre-release ng bagong album. “Sa eight years na ‘yun ang daming nangyari sa buhay ko. Siyempre ‘yung first album ko ‘yun ‘yung Gua Ai Di. ‘Yung Chinese-Chinese, pangyong-pangyong, ito naman ang title nito Chinita Princess. It’s more of looking life in a positive way,” pagbabahagi ni Kim.

Ayon pa sa aktres ay malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang boses kumpara sa kanyang boses sa naunang album. “Siyempre iba na rin ang boses ko. Siyempre after eight years siguro nagbago na siya kaya bagong offering. It’s new kasi siyempre I keep on doing TV, movie, drama, acting. So parang ngayon something new to look forward to,” pagtatapos ni Kim.

Akting ni Jason binabantayan ni Vickie

Hindi raw nakikita ng kasintahan ni Jason Abalos na si Vickie Rushton na magkakatambal sila ng aktor sa isang proyekto. “Pwede (siguro) pero feeling ko imposible naman kasi ‘yung role niya ‘di ba may mga anak-anak na. Pwede siguro kung ma-try pero parang hindi ko nakikita ‘yung sarili ko,” bungad ni Vickie.

Suportado naman daw ng dalaga si Jason kahit na nagpapaseksi ito sa mga proyekto. “Before naman naging kami, tanggap ko na ‘yun. ‘Yun ‘yung trabaho niya kaya never ako nagselos. Never naming napag-aawayan ‘yung trabaho niya kasi ayoko eh. Ayoko ‘yung dahilan nang pag-awayan namin trabaho and gusto ko, sa ginagawa niya full support ako. Kasi siyempre magre-reflect naman ‘yun sa ginagawa niya,” paliwanag ni Vickie.

Mamayang gabi ay magtatapos na rin ang Two Wives na pinagbibidahan ni Jason, Kaye Abad at Erich Gonzales. Minsan daw ay pinupuntahan ni Vickie ang kasintahan sa set upang panoorin ang mga eksena nito. “Pumupunta ako sa taping. Tapos tinatanong niya ako kung maganda ba, so parang ako ‘yung critic niya,” kwento ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS 

          

vuukle comment

AKO

ALBUM

CHINITA PRINCESS

ERICH GONZALES

SIYEMPRE

VICKIE

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with