^

PSN Showbiz

Dasal na lang ang makasasalba misis ng kilalang actor malala na ang kalagayan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nakabibigla at nakalulungkot ang balitang nakarating sa amin na may kinalaman sa amiable wife ng isang kilalang aktor na kamakailan lamang isinugod sa pagamutan dahil sa deteriorating na kalagayan nito ngayon na may kinalaman sa kanyang lingering illness.

Ayon sa aming very reliable source, kahit mahirap tanggapin, inihahanda na ng pamilya ang kanilang mga sarili sa pinaka-worst scenario na anytime ay magpapaalam na ang kanilang mahal sa buhay.

Ang buong akala ng marami ay tuluyan nang gumaling ang mabait na misis ng aktor sa kanyang sakit na cancer pero kumalat na umano ang cancer cells sa ibang bahagi ng kanyang katawan na wala nang lunas.

Lahat ng mga mahal sa buhay ng misis ng aktor ay hindi na halos humihiwalay sa kanyang tabi.

Kung wala mang remedyo ang gamot para mai­salba ang buhay ng misis ng aktor, tanging dasal at milagro na lamang ang nalalabing option.

Patuloy pa ring  humihingi ng dasal ang pamilya ng aktor para sa kanyang misis na nasa kritikal na kalagayan ngayon.

Alex hindi na maawat, kabi-kabila ang proyekto

Wala ka bang napapansin, Salve A? Hindi lamang mga stars and talents ng Kapuso Network ang nagsisilipatan sa bakuran ng Kapamilya Network kundi pati galing na rin sa Kapatid Network. Si Alex Gonzaga ang kauna-unahang Kapatid talent ang lumipat at bumalik sa ABS-CBN na sinundan nina JC de Vera, Arci Muñoz, at Carla Humphries. Pinakabagong bumalik sa Kapamilya si Megastar Sharon Cuneta na may ilang taon ding naging Kapatid.

Kahit sa ABS-CBN nagsimula si Alex Gonzaga, ang TV5 ang nagbigay sa kanya ng kanyang ­kauna-unahang lead role in a TV series sa pama­magitan ng Ang Babaeng Hampaslupa pero nang mag-expire ang kanyang kontrata sa TV5 ay muli siyang bumalik sa kanyang original TV network kung saan siya nag-shine nang husto.

Although hindi kapantay ni Alex ang kasikatan ng kanyang ate na si Toni Gonzaga, humahabol siya rito not only in terms of popularity kundi ma­ging sa paramihan ng mga proyekto.

Ngayong Lunes, March 16 ay mapapanood na rin gabi-gabi si Alex sa kanyang pinakabagong te­leserye, ang TV remake ng Inday Bote na pinagbidahan sa pelikula ni Diamond Star Maricel Soriano.

Although loveless at age 27, hindi ito malaking issue kay Alex dahil naniniwala siya na darating din ito kung talagang ukol na para sa kanya.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ANG BABAENG HAMPASLUPA

ARCI MU

CARLA HUMPHRIES

DIAMOND STAR MARICEL SORIANO

INDAY BOTE

KANYANG

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with