^

PSN Showbiz

Kim, Maja, Ser Chief dinumog sa Cebu, Iloilo at Batangas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Libu-libong Cebuano, Ilonggo at Batangueño fans ang nakisaya kina Kim Chiu, Maja Salvador, Richard “Ser Chief” Yap at iba pang Kapamilya stars sa back-to-back-to-back  Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional na ginanap sa pagdiriwang ng tatlo sa pinakamalalaki at pinakamakukulay na taunang pagdiriwang sa bansa: ang Sinulog Festival sa Cebu, Dinagyang Festival sa Iloilo, at Lipa City Festival sa Batangas.

Nagsanib-pwersa sina Kim, Maja, Enchong Dee, at Zanjoe Marudo upang magbigay-kasiyahan sa halos 7,000 kataong nagtipon sa The Terraces sa Ayala Center Cebu. Nakiisa rin ang ABS-CBN Regional sa Sinulog 2015 Grand Parade kung saan itinampok sa makulay na Kapamilya float sina Kim, Maja, at Enchong.

Samantala, dumayo rin ang mga Kapamilya star sa Iloilo at Batangas upang pasalamatan ang mga Ilonggo at Batangueño sa walang sawang suporta sa ABS-CBN.

Halos 5,000 Ilonggo fans ang naki-party kina Maja at Sam Milby sa Kapamilya Karavan na ginanap sa Robinsons Iloilo, samantalang lampas 4,000 Batangueño ang pinasaya nina Ser Chief, Angeline Quinto, at Joseph Marco sa pagdiriwang ng Lipa City Festival.

Matapos ang Sinulog, Dinagyang at Lipa City Festivals, nakatakdang maki-fiesta ang  Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional sa Baguio City para sa Panagbenga Festival sa Marso 7 at Davao para sa Araw ng Dabaw sa Marso 15.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

AYALA CENTER CEBU

BATANGUE

ILONGGO

KAPAMILYA

KAPAMILYA KARAVAN

LIPA CITY FESTIVAL

MAJA

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with