^

PSN Showbiz

Mga totoong kaibigan lang daw Kris piling-pili lang ang invited sa birthday party

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dahil lilipad for Japan bukas sa mismong birthday niya, this Friday ay may anticipated birthday mass para kay Kris Aquino at kasunod ang isang intimate get together sa bahay niya. Sabi nito, 35 of her family and friends lang ang invited at hindi na pinangalanan.

Siguradong kasama sa lucky 35 friends ang dalawang aktres na close sa kanya at hindi na lang basta kaibigan ang turing niya, kundi kapatid. Belong na sila sa extended family ng TV host-actress.

Ang dalawang aktres ang nagpaiyak kay Kris noong kasagsagan ng isyu kay P-Noy at sa SAF 44. Habang marami ang nam­ba-bash kay Kris, tinext siya ng dalawang aktres at pinalakas ang loob niya. Sobrang na-touch si Kris at napaiyak. Doon niya nalamang talagang kaibigan ang dalawa na ‘wag na natin pangalanan.

Galante nga talaga Rocco sinorpresa si Lovi ng top of the line na iMac

Sa biglaang birthday party ni Lovi Poe sa co-owned niyang Cable Car sa BGC ginawa ang launching ng music video ng single nina Lovi at Brian Sombero na Bigkas.

Kinanta rin ng live nina Lovi at Brian ang Bigkas na three-year-old composition na pala. Naisip ni Brian na ipakanta kay Lovi ang song nang marinig niyang kumanta ito sa Cable Car. Alam niyang mabibigyan niya ng tamang interpretation ang song na nangyari nga dahil ang ganda ng duet nila.

Katulong ni Lovi na nag-entertain ng mga bisita ang BF nitong si Rocco Nacino na ang birthday gift sa GF ay top of the line iMac na magagamit ni Lovi sa gagawing office sa second floor ng bahay niya. Alam daw ni Rocco na gusto niya ng iMac at alam din nitong hindi siya bibili dahil hindi naman niya kailangan.

Laking gulat na lang niya nang pag-uwi niya ay makita sa doorstep niya ang kahon ng iMac. Natuwa si Lovi, pero ayaw sagutin kung kiss at hug ang pa-thank you niya kay Rocco.

Picture niya na kuha sa Japan na pina-frame ang birthday gift ng parents ni Rocco kay Lovi na ipinagpasalamat nito nang husto.

Paalis na kami sa Cable Car nang dumating sina Winwyn Marquez at Solenn Heussaff. Narinig naming in-acknowledge ni Lovi si Rodjun Cruz at naabutan namin si Marc Abaya. Parating daw si Alessandra de Rossi na hindi na namin nahintay.

Mayor Erap malakas ang tama kay Jennylyn

May friend kaming nasa G Force Studio sa may Mother Ignacia, Quezon City, sa rehearsal nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng duet nila sa concert mamaya ni Jennylyn sa Skydome ng SM North Edsa. Nahalata ng friend namin sa body language ng dalawa na special pa rin ang bawat isa sa kanila.

Puwedeng magkabalikan ang dalawa kundi pa­iiralin ang sinabi nilang hindi nila binabalikan ang ka­nilang ex. Sa TV interview, hindi sila tumitingin sa isa’t isa, pero off-cam, wagas daw ang titigan ng mga ito.

Balitang manonood si Manila Mayor Joseph Estrada sa Oo Na! Ako Na ang Mag-isa Samahan N’yo Naman Ako! concert ni Jennylyn. Hindi kaya ma-conscious si Jennylyn at ang guests niya na nasa harap nila si Mayor Erap at pinapanood sila?

Derek hindi pa rin alam ang gagawing pakulo kay Jennylyn

Nang makausap si Derek Ramsay sa presscon ng Mac & Chiz sitcom nila ni Empoy sa TV5, na­banggit na hindi pa niya alam ang gagawin sa guesting niya sa concert ni Jennylyn Mercado. Hindi siya marunong kumanta at sumayaw, ang naisp nito, gumawa sila ng skit ni Jennylyn at puwede rin silang maglaro ng Frisbee sa stage.

Araw-araw silang nag-uusap ni Jennylyn para sa gagawin niya sa concert at kung talagang wala siyang maisip, magta-thank you na lang siya sa nanood ng English Only, Please na may international screening ang movie dahil sa maraming requests.

That time, hindi pa rin alam ni Derek ang leading lady niya sa pelikulang Crocodile Hunter ng Cine­Bro. Pinagpipilian sina Shaina Magdayao at Yam Concepcion at kung si Shaina ang mapipili, may pag-uusapan na agad dahil may isyu ngayon sina Shaina at ang ex niyang si Angelica Panganiban.

Julian ka-level na ang 4 Minute!

This Friday ang balik ni Julian Trono mula sa Korea kung saan, ilang araw siyang namalagi para mag-guest sa Korea Today ng Arirang at Show Champion ng MBC. Last Wednesday nag-taping si Julian sa guesting niya sa Show Champion at ki­nanta ang single niyang Wiki Me, na sa February 18 ang airing.

Kasabay nag-guest ni Julian sa Show Champion ang K-pop group na 4 Minute na nag-concert na sa bansa.

vuukle comment

CABLE CAR

JENNYLYN

KAY

LOVI

NIYA

ROCCO

SHOW CHAMPION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with