^

PSN Showbiz

Gov. Vi excited sa kasal nina Luis at Angel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Excited na raw si Governor Vilma Santos-Recto para sa napababalitang nagpaplano na raw pakasalan ng anak na si Luis Manzano ang kasintahang si Angel Locsin.

Gusto na rin daw magkaroon ni Ate Vi ng kauna-unahan niyang apo. “Siyempre excited pero ang huling desisyon ay nasa kanila. Ngayon ang hinihintay ko na lang ay apo, ‘yun lang. hanggang doon lang,” makahulugang pahayag ni Gov. Vi.

“My son is mature enough to decide for himself. Nasa kanya ‘yon kung ano ang gusto niya sa buhay niya. Pero kung magkatuluyan sila ni Angel, definitely isa ako sa magiging maligaya,” dagdag ng Star For All Seasons.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Ate Vi tungkol sa naging pahayag ni Luis kamakailan na ayaw nitong makasama ang ina at kasintahan sa isang pelikula. “Ayaw niya kasing maging komersyal ‘yung relationship that we have for the family. Ako bilang nanay niya at kay Angel tama lang ‘yon at nirerespeto ko ang desisyon niya,” paliwanag ng actress-politician.

Alex seryoso sa pagtulong sa mga sawi ang puso!

Masayang-masaya si Alex Gonzaga nang mabalitaan na gagawin nang isang pelikula ang kanyang isinulat na librong Dear Alex, Break na Kami, Paano? Love, Catherine.

Hindi raw inakala ni Alex na papatok sa mga mambabasa at mga tagahanga ang kanyang ginawa. “Ang gusto ko lang ay tumulong gamit ang libro ko. Magkaroon ng pagbabago sa kahit sino, bagong perspective lang tungkol sa pagmamahal. ‘Yung mga mistakes ko ay magiging lessons sa iba. Para hindi na siya mistake kasi may natulungan na ako. Naging blessing na siya sa iba,” nakangiting pahayag ni Alex.

“Natutuwa ako kasi sabi ko nga sa editors namin, ang aim ko lang ay may isang babae na umiyak sa akin. ‘Grabe! Touched ako sa libro mo.’ Yes, I wanna be a beacon of hope, that’s it,” dagdag pa ng aktres.

Hindi pa raw napag-uusapan kung makakasama rin si Alex sa pelikula pero gusto ng dalaga na maisali sa cast sina Luis Manzano, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual. “Hindi pa namin alam. ‘Di pa sure pero feeling ko ang kailangan dito ay ‘yung mga natutunan. Mas importante ‘yon, ‘yung mga advice na dapat ginagawa ng babae. ‘Yun ang feeling ko na di dapat mawala sa movie,” pagbabahagi ni Alex. “The main mission is to help young girls, heartbroken girls to learn from someone’s mistakes and to remind us that may kasama ka sa journey mong ito. Sana ay suportahan n’yo ang pelikula. ‘Yung ‘di mahilig magbasa, suportahan n’yo na lang ‘yung pelikula,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

                   

 

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ANGEL LOCSIN

ATE VI

DEAR ALEX

JOHN LLOYD CRUZ

LANG

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with