^

PSN Showbiz

Pinersonal nang nagpahayag ng pagkadismaya sa presidente... Kris nagalit kay Judy Ann, in-unfollow sa Instagram!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ni Heart Evangelista mag-Startalk nung kamakalawa at mag-Sunday All Stars kahapon, magli-leave na raw muna siya sa trabaho para paghandaan ang nalalapit na kasal nila ni Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island sa February 15. Nagdadatingan na raw ang mga kamag-anak nila mula Amerika at marami na silang asikasuhin sa Balesin kaya gusto niyang malilibre na ang schedule niya.

Nung huling pag-uusap namin ni Heart, hindi pa rin daw niya matiyak kung makakadalo ang magulang niya, pero hindi pa rin daw siya nawawalan nang pag-asa. Umaasa pa rin daw siyang makakadalo sila para ihatid siya sa altar.

PAK: Maaga ang Valentine’s Day sa magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, at kina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na nanood sa concert ni Michael Buble nung kamakalawa ng gabi.

Binanggit pa ni Michael si Sarah na gustung-gusto ang mga awitin niya, at napansin naman namin sina Dra. Belo at Dr. Hayden na laging nagyayakapan habang kumakanta si Michael ng mga pinasikat niyang love songs. Ang tagal nang yakapan nila habang kinakanta ni Michael ang awiting Cry Me a River. Kinanta ni Michael ang isa sa mga luma niyang awiting Hold On na ni-request daw ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account.

BOOM: Naging isyu pa ngayon ang pag-unfollow ni Kris Aquino kay Judy Ann Santos sa Instagram account nito dahil sa post ni Judy Ann ng artikulong “Obama Cancels Schedule to Meet returned Bodies of Fallen Troops” na may caption na “Just saying…Obama knows his priorities..” May isang follower na obvious kumakampi kay Kris na nagkomentong “unfollowed” na raw ito dahil sa hindi raw nababagay sa isang public figure na magkomento na may patama sa ibang tao lalo na sa ating presidente.

Sinagot agad ito ni Juday na bilang isang mamamayang Pilipino nagbabayad ng buwis, nararapat lang daw na magbigay rin siya ng sarili niyang saloobin sa mga nangyayari. Ayun na nga! Hindi na sinusundan ni Kris si Judy Ann.

Hindi lang kami sure kung hindi ba pina-follow ni Kris sina Christine Babao at ilan pang celebrities na hayagan ang pagkadismaya nila sa ating presidente. Doon na rin sa post ni Judy Ann ay nagtatalakan na ang followers nila na kampi kay Kris at kampi kay Judy Ann. Sinubukan naming hingan ng reaksyon si Judy Ann kaugnay dito, hindi pa kami sinagot.

Ang pagkakaalam namin, may pamisa sina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa tahanan nila kahapon para sa mga pulis na nasawi sa naturang bakbakan sa Maguindanao, at hustisyang hinihingi ng lahat. Sa linggong ito ay magsisimula na ang imbestigasyon kaugnay dito, kaya dasal ng lahat na makamit ang katarungan at lumabas ang buong katotohanan.

 

vuukle comment

ANN

BALESIN ISLAND

BODIES OF FALLEN TROOPS

CHIZ ESCUDERO

CHRISTINE BABAO

CRY ME

DR. HAYDEN

JUDY ANN

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with