^

PSN Showbiz

Sharon nagsalita na sa pelikula ng buhay ni Janet Napoles!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May naghihintay na palang comeback project si Megastar Sharon Cuneta. Pero hindi raw ang sinasabing bioflick ng controversial na Pork Barrel Scam Queen na si Janet Napoles.

“Why is there a rumor going around that my comeback movie will be based on the Janet Lim Napoles story, and with KC playing the role of her daughter? No one has spoken to me about this, and so it is totally untrue. I already have a comeback project waiting, and with a company that has my full trust and respect.

“God bless you and have a wonderful day! Lots of love to you all,” sabi ng singer/actress na balitang pumayat na nga sa kanyang Facebook account kahapon.

Hmmm ano nga kayang comeback project ni Megastar?

Dao Ming Si nagbabalik Jerry Yan magpapakilig pa rin kahit tatay na

Magbabalik ang original Asianovela heartthrob na si Jerry Yan bilang eligible bachelor na biglang magiging ama sa bagong primetime serye ng ABS-CBN na Unforgettable Love.

Unang minahal ng mga Pilipino bilang si Dao Ming Si sa phenomenal Taiwanese serye na Meteor Garden, gagampanan ni Jerry ang kanyang pinaka-challenging at pinakaromantikong papel na ginawa pa sa mainland China. Gaganap naman bilang kapareha niya ang sikat na Chinese actress na si Tong Li Ya.

Kwento ito ni Gio, isang mayamang businessman na sasagipin ang isang batang lalaki mula sa isang aksidente sa mismong event ng kanyang kumpanya. Dito bubulaga sa kanya ang katotohanang ang batang ito pala ay kanyang anak.

Matapos mapatuna­yan sa DNA test na anak niya nga ito, babaling ang atensyon ni Gio sa ina ng batang si Nina at pilit pagtatantuhin kung paano ito naging ina ng susunod na tagapagmana ng Li Corporation. Saka niya lang maalala na si Nina pala ang babaeng minsang nakaniig niya ilang taon na ang nakakaraan. Wala siyang kamalay malay na nagbunga pala ang kanilang isang gabing pinagsaluhan.

Magsisimula ang Unforgettable Love  bukas, Lunes (Feb 2) pagkatapos ng Aquino and Abunda Tonight.                                                        

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

DAO MING SI

JANET LIM NAPOLES

JANET NAPOLES

JERRY YAN

LI CORPORATION

MEGASTAR SHARON CUNETA

METEOR GARDEN

UNFORGETTABLE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with