^

PSN Showbiz

Megan Young nilayasan na ang Kapamilya, babalik na sa pinagmulan?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May balitang babalik na sa GMA si Megan Young ngayong tapos na ang kanyang reign sa Miss World. Bago na rin daw ang manager nito at nagdesisyon daw ang manager na ibalik si Megan sa network na nakadiskubre sa kanya.

Lumulutang na rin ang project na gagawin niya na remake ng isang top-rating Mexican telenovela at naging launching ng isa ring sikat na aktres.

Kung totoo ang tsikang bumalik na sa original network si Megan, ang nababalitang nobyo nito na si Mikael Daez na contract star ng babalikang network ang isa sa pinakamasaya. May chance nang magkasama sila sa isang project, ‘yun ay kung bubuwagin ng network ang love team ng aktor at Andrea Torres na marami ang fans at tanggap ang tambalan nila kahit alam na in real life, may kanya-kanyang karelasyon ang magkapareha.  

Lovi naghahanda na para kay Aling Oriang

Sa isang picture post sa Instagram (IG), may hawak na script si Lovi Poe at ang caption ay “Finally got the script for an exciting film!!! This might be the most challenging role I’ll ever play! Now let’s get down to business!!!”

Hindi na nag-elaborate si Lovi at hindi sinagot ang tanong ng followers niya kung anong pelikula ang kanyang gagawin. Nabalitaang gagawin ni Lovi ang Lakambini na life story ni Gregoria de Jesus at kilalang Aling Oriang.

Sa March na raw sisimulan ang shooting ng Lakambini to be directed by Jeffrey Jeturian and Ellen Ongkeko-Marfil. Hinihintay kung sino ang makakasama ni Lovi sa movie at gaganap sa role nina Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan na unang napa­ngasawa ni Gregoria de Jesus at Julio Nakpil, commander ng Katipunan forces sa Northern Mindanao na napangasawa ni Gregoria after Bonifacio.

Nagpa-hair extension si Lovi, paghahanda na kaya ito sa Lakambini at sa pagganap niya sa role?

Samantala, muling mapapanood ang mga pelikulang pinagbidahan ni Lovi gaya ng Sana Dati at Mayohan sa January 31 sa Teatrino. Ang first movie ay may 5 p.m., screening at 7:30 p.m., naman ang screening ng second movie.

Gerald pinasok na rin ang pagne-negosyo, sa rami ng binubuhay

Hindi na lang artista si Gerald Anderson, businessman na rin siya dahil sa RJ Tours na kanyang binuksan. Hindi nito sinabi kung ano ang ibig sabihin ng letters “R at J” pero ang logo ay letter “G.” May Mount Pinatubo Tour, Wild Subic Tour, Jungle Adventure Tour, at Island Hopping Tour ang ibinibigay ng RJ Tours.

Sa rami ng fans ni Gerald, siguradong papatok ang first business venture niya at marami ang magtu-tour lalo na kung kasama siya. Ang pagpasok sa business ay kasama sa sinabi ng aktor sa presscon ng Halik sa Hangin dahil marami siyang binubuhay.

Anyway, naiintriga na ang fans sa tema ng Halik Sa Hangin at may nagtatanong kung totoong multo ang role ni Gerald bilang si Gio at si Mia (Julia Montes) lang ang nakakakita sa kanya. Malalaman ang sagot ‘pag pinanood ninyo ang movie na showing nationwide sa January 28.

Pamangkin ni Daniel showbiz na rin

Anak pala ng Kapuso star na si RJ Padilla ang baby girl na gaganap na batang naghahanap ng ama kina Robin at Rommel Padilla at BB Gandanghari sa comedy series na 2 1/2 Daddies. Anak ni Rommel si RJ at kapatid siya ni Daniel Padilla, kaya pamangkin ni Daniel si Raniah Padilla.

Sa presscon ng comedy series ng TV5 na magsisimulang umere sa Sabado, 7 p.m., nabanggit ni Robin na apo ni Rommel ang cute baby girl. Sabi naman ng ama nitong si RJ, excited nang mag-taping ang anak. Si Raniah ang latest sa mga Padilla na pumasok sa showbiz at nangako ang fans ng mga Padilla na suportahan siya hanggang sa paglaki kung itutuloy ang pag-aartista.

Samantala, may kanya-kanyang title sina Robin, Rommel, at BB Gandanghari. Si Robin ay Action King. Si BB ay Fashionista at si Rommel ang Daddy ng Bayan. Naaliw pala kami sa video sa taping ng 2 1/2 Daddies sa rehearsal ng Padilla brothers dahil napatumba ni BB si Robin.

Miggs magpapanggap na anak ni Camille

Pumasok na ang karakter ni Miggs Cuaderno sa Second Chances at sa husay umarte ng teen actor, hindi ito magpapakabog sa mga kasama. Challenge kay Miggs ang karakter niyang magpapanggap na anak ni Camille Prats para hindi bumalik sa bahay ampunan na hate niya.

Dagdag na pagkilala sa husay sa pag-arte ni Miggs ang pagkakasali niya sa listahan ng outstanding performances last year sa Cinemalaya movie na Asintado.

vuukle comment

ALING ORIANG

GREGORIA

KUNG

LAKAMBINI

LOVI

PADILLA

ROMMEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with