^

PSN Showbiz

Pero sure na raw: Lovi tikom pa ang bibig sa pagiging Gregoria de Jesus

Jun Lalin - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Usap-usapan na si Lovi Poe ang magbibida sa epic movie na Lakambini na base sa buhay ni Gregoria de Jesus, ang maybahay ni Andres Bonifacio.

Makulay din ang buhay ni Gregoria dahil nang mapatay si Andres, nagpakasal naman siya kay Julio Nakpil na isa sa mga heneral ng rebolus­yon.

Isa sa mga importanteng tao sa Philippine revolution si Gregoria, kaya hindi nakapagtatakang gagawing pelikula nina Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil ang kanyang buhay.

Hindi pa nga lang official na ina-announce ng produksiyong gagawa ng Lakambini kung sino talaga ang magbibida at tahimik din ang kampo ni Lovi. Kapag tinatanong ko ang manager niya na si Leo Dominguez, quiet lang ito.

Ang sabi, maging ang kampo raw ni Lovi ay hindi pa allowed na pag-usapan ang tungkol sa nabanggit na proyekto na balitang may international release.

Interesting nga palang malaman kung sino, bukod kay Lovi ang makakasama sa pelikula at sino ang gaganap na Andres at Julio.

Pamilya Gutierrez may sariling float sa Sinulog Festival

Nakita ang pamilya Gutierrez sa Sinulog Festival sa Cebu City kahapon.

May sariling float sina Annabelle Rama, Eddie, Ruffa (with daughters Lorin and Venice), Elvis (with fiancée Alexa Uichico), Raymond, Richard (with Sarah Lahbati and son Zion) sa annual Sto. Niño event ng Cebu.

Devotee si Annabelle ng Sto. Niño ng Cebu, kaya naman palagi siyang nandoroon tuwing may Sinulog Festival.

Noong 2013, may float na rin ang pamilya Gutierrez dahil kumandidato roon si Annabelle, pero ‘yung float nila ngayong taon na ito ay para naman sa It Takes Gutz to be a Gutierrez na reality TV series nila sa E! Asia.

Bago ipatanggal BB Gandanghari nagpapaliit na ng ari!

Hindi pa, pero seryoso si BB Gandanghari na magpaopera para maging ganap na babae.

Sa ngayon, nagte-take ng female hormones si BB para lumiit ang kanyang male organs at saka na magpapaopera.

Unti-unti ay nagkukuwento na si BB sa kanyang pamilya ng tungkol sa pagpapalit niya ng kasarian para hindi na mabigla ang mga ito kapag tuluyan na siyang nagpaopera.

Sa ngayon, masaya si BB na kasama ang mga kapatid na sina Robin at Rommel Padilla sa bagong sitcom ng TV5, ang 2 1/2 Daddies.

Sobrang bonding si BB sa mga kapatid sa tuwing nagte-taping sila.

Mukhang wala na talagang issue kay Robin ang desisyon ni BB na maging babae na talaga.

Sa hitsura naman ni BB ngayon, parang ang hirap na rin naman kung magdedesisyon siya na muling buhayin si Rustom Padilla.

vuukle comment

ALEXA UICHICO

ANDRES

ANDRES BONIFACIO

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

CEBU

GREGORIA

LOVI

SINULOG FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with