^

PSN Showbiz

Pero hindi pa kaya kay Hayden Katrina nakipagbatian kay Dra. Vicki Belo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi nakasipot si Barbie Forteza sa presscon ng first movie niya sa taong 2015 na #ewankosau Sarangheyo at magsu-showing na sa January 21.

Nakasabay nito ang fans day ng young actress, kaya hindi na niya kinayang humabol sa presscon nito na ginanap sa Fisher Mall nung kamakalawa lang.

Nagkaroon kasi ng intrigang baka umiwas na lang daw si Barbie sa mga co-stars niyang taga-ABS-CBN 2 at TV5.

Si Barbie lang ang tanging taga-GMA-7 sa pelikula at ang leading man niya ay ang Kapamilya talent na si Francis Magundayao.

Nilinaw ng kampo ni Barbie na tutulong sila sa promo ng naturang pelikula kahit taga-ibang istasyon ang mga kasama niya.

Dadalo raw ito sa premiere night sa January 18 na gaganapin sa Cinema 2 ng SM The Block.

PAK: Naging emotional si AiAi delas Alas nang nakausap namin kahapon kasama ang anak niyang si Sancho delas Alas na pinasok na rin ang pag-aartista.

Ayaw daw sana ni AiAi na pag-artistahin ang kanyang anak, pero nagpipilit daw si San­cho dahil iisa lang ang ha­ngad niya. Gusto raw sana niyang magpahinga na ang ka­nilang ina at siya na ang magtatrabaho.

Marami pa raw sanang gustong ibigay si Sancho sa kanyang ina, kaya gusto na niyang magtrabaho. At hindi na napigilang maiyak ng Comedy Queen.

Bukod pa riyan, ang isa pang wish ni Sancho ay makakita na raw si AiAi ng lalaking masasabing asawa niya. Kaya lahat na lala­king nakarelasyon ng kanyang ina ay pinapakisamahan niya hoping na ito na ang lalaking makakasama ni AiAi habang buhay.

BOOM: Naikuwento ni Katrina Halili na nagkabatian pala sila ni Dra. Vicki Belo nu’ng nakaraang ka­sal nina Dingdong Dantes at Marian Ri­vera.

Bago nagsimula ang seremonya, na­sa labas pa ng simbahan sina Dra. Belo at Dr. Hayden Kho at nandun din si Katrina bitbit ang anak niya at nakunan ng Startalk na hindi sila nagpapansinan.

Pero nu’ng nasa simbahan sila, nagkita raw uli sina Katrina at Dra. Belo bago magsimula ang bridal march. Nagkabatian raw silang dalawa nu’ng binati ni Katrina si Mam Wilma Galvante na katabi pala ni Dra. Belo. Binati na rin daw niya ng Happy New Year si Dra. Belo at nagkakumustahan sandali.

Iyun na raw ang kauna-unahan nilang pagbabatian pagkatapos pumutok ang sex video scandal nila ni Doc Hayden.

Bago pa lang daw siya pumunta ng wedding ay iniisip daw niya kung magbabatian ba sila nina Dra. Belo ‘pag magkita sila.

“Bahala na kung ano ang mangyari. Pero mabuti at okay naman. Masaya naman ako na okay ka­ming dalawa,” pakli ni Katrina.

Balak naman daw niyang ma­kabati si Dra. Belo, pero hindi pa nagkaroon ng pagkakataong magkabati sila ni Doc Hayden. Kung sakaling magkabati raw sila ni Doc Hayden, okay naman daw at handa naman daw siyang makipag-ayos kung nagkaroon lang ng chance.

vuukle comment

BARBIE

BELO

DAW

DOC HAYDEN

DRA

NIYA

RAW

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with