^

PSN Showbiz

Talentadong Pinoy ibabalik uli! Everyday Happy, nag-last airing na, pagbisita ni Pope Francis pinagkakakitaan ng mga negosyante!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Humingi ng sorry kahapon ang pinakawalang kuwentang showbiz reporter na si Jun Sabayton dahil sa kanyang maling report na malakas uminom ng alak ang mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby nang magbakasyon sa Japan ang mag-iina. Malakas uminom ng gatas ang dapat na sinabi ni Jun sa report niya kahapon sa morning show ng TV5.

SCENE: Last airing ng Basta Everyday Happy noong Lunes. Ang Basta Everyday Happy ang morning program sa GMA 7 nina Gladys Reyes, Donita Rose, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro.

SEEN: Mga asawa ng PBA players ang mga host ng Happy Wife, Happy Life, ang  morning show ng TV5 na mag-uumpisa sa January 12. Mga host ng Happy Wife, Happy Life sina Danica Sotto-Pingris, LJ Moreno-Alapag, RR Enriquez, at Jeck Maierhofer.

SCENE: Ibabalik ng TV5  ngayong 2015 ang Talentadong Pinoy at mga host pa rin ng talent search show sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, at Tuesday Vargas.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon nina Amy Perez at Marc Logan ang unang anibersaryo ng Sakto, ang morning program nila sa dzMM.

SCENE: “Ano ang pangalan niya?” at “Sino siya?” ang tanong ng shoppers ng isang high end department store nang mapansin nila na nakatingin ang mga salesclerk kay Bea Binene habang pumipili ito ng make-up na bibilhin noong Sunday afternoon.

SEEN: Kahapon ang huling araw ng Metro Manila Film Festival 2014. Taun-taon, pare-pareho ang pahayag ng MMDA at MMFF Executive Committee na mas malaki ang kinita ngayon ng MMFF kesa noong nakaraang taon na talagang nangyayari dahil tumaas ang presyo ng mga cinema ticket.

SCENE: Ginagawang negosyo ng mga business-minded ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas dahil nagbebenta sila ng mga mug, T-shirts at kung anu-ano pa na may imahe at pangalan ng Santo Papa.

vuukle comment

AMY PEREZ

ANG BASTA EVERYDAY HAPPY

BASTA EVERYDAY HAPPY

BEA BINENE

CHEF BOY LOGRO

DANICA SOTTO-PINGRIS

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with