^

PSN Showbiz

Zsa Zsa mag-iisang taon nang ‘nakalimutan’ si Dolphy

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Malapit nang mag-isang taon ang relasyon ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang architect boyfriend na si Conrad Onglao. Ang dala­wa ay nag-celebrate ng kanilang ika-10th month an­niversary sa El Nido, Palawan kamakailan lang.

Since magpapatuloy ang wedding boom sa taong ito among showbiz personalities, marami ang naniniwala na sa taon ding ito ikakasal sina Zsa Zsa at Conrad. Dalawang taon na nang namayapa ang dating asawa ni Zsa Zsa na si Comedy King Dolphy.

Kuya Germs sinisingil na ng sobrang pagka-workaholic

Nagka-mild stroke ang Master Showman at host ng long-running late night show ng GMA na Walang Tulugan with the Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno nu’ng gabi ng January 2, araw ng Biyernes. Agad na isinugod si Kuya Germs ng kanyang anak na si Federico.

Nakapag-radio pa si Kuya Germs that afternoon sa DZBB at pagkatapos ay tumuloy siya ng Loyola Memorial Park in Marikina para mag-alay ng mga bulaklak sa kanyang namayapang mga magulang. From Loyola Memorial Park ay tumuloy pa si Kuya Germs ng Greenhills in San Juan para mag-grocery at bandang alas-7 ng gabi na siya nakauwi ng bahay. Siya mismo ang nagmaneho. Matapos maipasok ng bahay ang kanyang pinamiling grocery ng kanyang katulong na si Vilma ay agad umanong tumuloy ng kuwarto si Kuya Germs at hindi na ito kumain.

Nagpapasalamat si Freddie na mild stroke lamang ang nangyari sa kanyang ama at naniniwalang agad itong makaka-recover. Pero kaila­ngan na ring mag-slow down ni Kuya Germs na so­brang napaka-workaholic.

Get well soon, Kuya Germs. The industry needs you.

Derek at Jennylyn tuloy ang paghataw

Bukod sa mga parangal na nakuha ng English Only, Please, na ngayon nga ay pinipilahan, masayang-masaya ang producer na si Atty. Joji Alonzo na malamang muling kunin ang tambalang Jennylyn-Derek sa hinaharap.

Kung tutuusin, hindi pareho sina Jennylyn at De­rek ang first choice to play their respective roles sa pelikula kundi sina Angeline Quinto at Sam Milby pero nagkaroon ng hitches kaya napunta ang role kina Jennylyn at Derek.

Nakatulong din sa post-promo ng pelikula ang kontrobersiya ng panalo nina Jennylyn at Derek dahil may ilang sector ang kumukuwestiyon sa kanilang award.

Sa totoo lang, Salve A. parati na lamang balot ng kontrobersiya ang taunang Metro Manila Film Festival pagdating sa mga ginagawaran ng awards.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

COMEDY KING DOLPHY

DEREK

GERMS

JENNYLYN

KUYA

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with