^

PSN Showbiz

Eric Quizon tiyak makakalbo sa paghahati ng mga ari-arian ni Dolphy

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

May problema pa kaya sa naging hatian ng mana among Dolphy’s children? Sana wala na at tanggapin na nila nang maluwag ang nakayanang iwan sa kanila ng komedyante.

Sana lamang ay maibahagi ng maayos ni Eric Quizon sa kanilang magkakapatid ang anumang naiwan ni Dolphy. Ito kasi ang ginawang admi­nistrador ng kanyang ama sa mga ari-arian nito. At sa rami nila, makakalbo sa pag-iisip si  Eric.

That’s binigyan ng tribute ng ASAP?!

Sabi ni Vero Samio dapat daw akong mapasalamat sa ABS-CBN dahil sa titulo ng programa nila nu’ng Linggo sa ASAP. That’s Christmas ang titulo ng episode na bagay sa konsepto ng palabas na sabi ni Vero ay patterned sa That’s Entertainment kung saan tuwing Sabado ay naglalaban-laban ang anim na grupo mula Lunes hanggang Biyernes ng pagandahan ng production number. Ginawa na rin dati ito sa ASAP pero ngayon lang parang nag-pay tribute sila sa nawala kong programang That’s Entertainment. Sori, hindi ko napanood ang programa, pero salamat sa Kapamilya Network.

Bagong sitcom nina Derek at Empoy kakaiba!

Mukhang kaabang-abang ‘yung bagong sitcom ng TV5 na magtatampok kina Derek Ramsay at Empoy. Ito ang Mac & Chiz kung saan ay role ng kambal na magkapatid ang gagampanan ng hunk actor at komedyante. Sa konsepto pa lamang ay nakakatawa na, paano pa kaya ang tatakbuhin ng buong istorya?

Star galanteng mamigay ng pamasko

Para namang wala nang tatalo pa sa kabonggahan ng Christmas party ng PSN (Pilipino Star NGAYON) na dinaluhan ko nu’ng Miyerkules ng tanghali sa Sofitel Hotel. Kung ang maraming kumpanya ang nagtitipid, sila ay hindi.

Maraming cash, gadget at ay paisa-isa lamang magbigay ng P20,000 sa raffle, sa Star Group, 30 na tig-20,000 ang ipina-raffle, 30 na tig-10,000 at ganun din karaming Samsung cell phones, led flat Devant TV units, at marami pa. Proud ako na ganu’n karaming mahahalagang bagay at laki ng pera ang pinananalunan ng mga em­pleyado ng Star Group na halos hindi magkamayaw sa tuwa.

Maligayang bati Boss Miguel Belmonte sa mahusay n’yong pamamalakad at maligayang Pasko sa ating lahat.

Maligayang Pasko rin sa ating bagong boss na si Mr. Manny Pangilinan.

 

vuukle comment

BOSS MIGUEL BELMONTE

DEREK RAMSAY

DOLPHY

EMPOY

ERIC QUIZON

KAPAMILYA NETWORK

STAR GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with