^

PSN Showbiz

Todo kaway at may flying kiss pa sa fans ng anak Mommy D star na star ang dating sa Macau; May demand tambalang Mark at Shaira Mae sa Wattpad, ibinalik

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang boyfriend na si Michael Yamson na puwedeng apo na niya ang escort ni Dionisia Pacquiao sa lahat ng mga lakad nito sa Venetian Hotel. Isinama ni Dionisia si Michael para mapanood nito nang libre ang laban sa boksing ng kanyang anak na si Manny Pacquiao at Chris Algieri na magaganap ngayong umaga sa Cotai Arena ng Venetian Hotel, Macau.

SCENE: Star na star si Dionisia Pacquiao nang duma­ting siya kahapon sa weigh-in nina Manny at Chris Algieri. Hindi nakalimutan ni Dionisia na magbigay ng flying kiss sa boxing fans.

SEEN: Isang post-birthday celebration para kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang inihahanda ni Regal Entertainment Inc. producer Lily Monteverde. Noong November 3 ang actual birthday ng Star for All Seasons.

SCENE: Hindi na solo ang biyahe ni Lovi Poe sa Japan sa linggong ito dahil kasama niya ang ina na si Rowena Moran pero may kanya-kanya silang lakad.

SEEN: Kahapon ang 25th birthday ni Miss World Philippines Valerie Weigmann. Ipinagdiwang ni Valerie ang kanyang kaarawan sa London, ang lugar ng coronation night ng Miss World 2014 sa December 14.

SCENE: “Napakasaya!” ang sagot ni Angeline Quinto sa mga nagtatanong tungkol sa estado ng kanya      ng lovelife. Si Erik Santos ang natsitsismis na boyfriend ni Angeline.

SEEN: Kakantahin nina Pops Fernandez at Martin Nievera ang ‘80s songs na naging parte ng kanilang relasyon at career sa The Penthouse…Live Reunion, ang concert nila sa PICC Plenary Hall sa December 12.

SCENE: Due to insistent public demand, ibabalik ng TV5 ang loveteam nina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz sa sequel ng Wattpad Presents Mr. Popular Meets Nobody Book 2 na mapapanood simula bukas, November 24, pagkatapos ng The Amazing Race Philippines Season 2.

vuukle comment

ALL SEASONS

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

ANGELINE QUINTO

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

DIONISIA PACQUIAO

VENETIAN HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with