^

PSN Showbiz

Kaya papalit-palit female personality pinagtitiis sa gutom ang mga nagiging driver

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakailang palit na ba ng driver ang isang pamosong female personality? Napakaraming beses na. Isa lang ang reklamo ng mga nagiging piloto ng babaeng personalidad, nagkakandahilo sila sa sobrang pagkagutom, natatakot silang mabangga dahil sa kagutuman.

Mahilig kumain ang female personality, kitang-kita naman ang ebidensiya nu’n sa kanyang katawan, kain siya nang kain pero wala siyang pakialam sa bituka ng kanyang driver.

Kuwento ng aming source, “May regular TV show siya, ‘di ba? Hindi niya binibigyan ng meal allowance ang piloto niya, iniaasa lang niya ‘yun sa pagkain ng production, ganu’n siya kakuripot!

“E, paano kung mabangga sila? Ano ang sasabihin ng driver sa pulis, nabangga sila dahil umiikot na ang paningin niya sa sobrang gutom?

“Magpapakabusog siya sa restaurant, ang driver niya naman, e, naghihintay lang sa labas na himas nang himas ng kanyang tiyan. Kung may allowance ang driver, puwede ang ginagawa niya. Kaso, wala nga!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Palaging umaalis ang kanyang driver, hindi na siguro mabibilang ngayon ng babaeng personalidad sa mga daliri niya sa kamay at paa kung nakakailang palit na siya ng piloto, walang tumatagal sa kanya.

“Imagine, pagkain ng driver niya, isinasahog niya sa catering ng production? Mabuti na lang at mababait ang drivers ng ibang artista, binibigyan nila ng food ang driver ni ____(pangalan ng female personality).

“Hindi siya marunong mag-alaga ng mga tao niya, kahit nga ang mga nagiging PA niya, ganu’n din ang reklamo. Kuripot ang female personality, wala siyang pakialam sa staff niya, masyado siyang selfish!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kailangan nang ‘labhan’ sa rami ng ‘mantsa’ Julia negang-nega  na ang imahe

Kailangan nang labhan at banlawan ang negatibong imahe ngayon ni Julia Barretto. Hindi kagandahan ang mga naririnig naming komento ngayon ng ating mga kababayan tungkol sa maganda pa namang young star.

Baguhan pa lang siya, nanga­ngarap pa lang, pero mukhang hindi siya nag-iingat sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Marami nang dating nagkakagusto sa kanya ang tinatabangan na ngayon sa anak ni Marjorie Barretto.

Nu’ng pumutok ang balita na pinapalitan nilang mag-ina ang kanyang apelyido ay hindi na­ging maganda ‘yun sa panlasa ng ating mga kababayan. Inalis ang Baldivia sa kanyang pangalan na apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla.

Ang komento ng mga miron ay walang utang na loob si Julia, sinaktan niya ang kanyang ama, isandaang porsiyentong napunta sa komedyante ang pagsimpatya ng mas nakararaming Pinoy.

Sumunod ay ang pagpapalutang niya ng kapritso nang umamin si Julian Estrada na anim na buwan silang na­ging magkarelasyon. Umatungal si babae, gustong ipabawi kay lalaki ang sinabi nito, mabuti na lang at may paninindigan ang anak ni Senador Jinggoy Estrada at hindi pinagbigyan ang gusto niyang mangyari.

Maaga pa bago matatakan ng kanegahan si Julia, wala pa siyang napapatunayan, ang kagandahan ay hindi sapat para maipagmalaki niya dahil dalawa-singko ang magagandang artista sa lokal na aliwan.

Ang ginawa niya kay Julian Estrada ay puwedeng malimutan agad ng publiko pero ang sakit ng loob na dinulot ni Julia Barretto sa kanyang ama ay matindi.

 

vuukle comment

DRIVER

JULIA

JULIA BARRETTO

JULIAN ESTRADA

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with