^

PSN Showbiz

Lovi naiipit sa problema ng manager at producer!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Naiipit ngayon sa problemang namamagitan between her manager na si Leo Dominguez at director-producer ng Reality Entertainment na si Erik Matti at co-producer at business partner nitong si Dondon Monteverde si Lovi Poe dahil sa pag-ayaw niya sa pelikulang Aswang Chronicles.

Si Dondon ay anak ni Mother Lily Monteverde ng Regal kung saan contract star ng Regal Films na pag-aari ni Mother Lily at ang isa pang anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde ay business partner naman ng manager ni Lovi.  Nang dahil sa gulo, si Lovi ang naiipit at maging ang iba pang inosenteng tao.  Bakit ‘ di sila mag-usap-usap nang matapos at maresolba ang problema sa kanilang pagitan?

Napakaliit ng mundo ng showbiz para mag-away-away.

Child Haus binigyan ng bagong building ni Hans Sy

Halos himatayin si Mader Ricky Reyes last Sunday (September 21) afternoon sa 10th anniversary celebration ng kanyang charity project na Child Haus na siyang pansamantalang tahanan at nag-aaruga sa mga batang cancer patients na may ongoing treatment sa Philippine General Hospital. Ipinakita kasi ni G. Hans Sy sa popular salon  chain owner at sa mga taong dumalo ang isang 6-floor building design na siyang magiging bagong building at tahanan ng mga batang kinukupkop ng Child Haus.

Ang 6-floor brand new building ay donated ng Family Sy sa Child Haus na brainchild ng pilantropong si Mader Ricky.  Ito’y matatagpuan sa may Agoncillo St. along Taft Avenue at kaharap lamang ng PGH kung saan nagpapagamot ang mga bata.

Umani ng masigabong palakpakan mula sa audience na nakasaksi sa naging pahayag ni G. Hans Sy bilang suporta sa magandang adhikain ng Child Haus at walang katapusang pasasalamat ang ibinalik ni Mader Ricky kay G. Sy at sa kanyang pamilya.

Kung si G. Hans Sy at ang pamilya Sy rin ang nagbigay ng tahanan ngayon ng Child Haus in Quezon City na pansamantalang tahanan ng mga batang cancer patients na mahihirap lamang at nagmula pa sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, mas maraming mahihirap na pasyente ang matutulungan ng bagong Child Haus.

May your tribe increase, G. Hans Sy and Family.

Walang Tulugan ni Kuya Germs hindi rin nakaligtas sa ‘Mario’

Ibayong ligaya ang nadarama ngayon ng vete­ran Kapuso na si German “Kuya Germs” Moreno dahil sa tagumpay na ibinigay sa buong Pilipinas ng kanyang apong si Gabriel Luis Moreno na kama­kailan lamang nakapag-uwi ng gold medal galing sa recently-concluded Youth Olympics sa Nanjin, China.

“Hindi lamang pride si Gabby ng aming pamilya kundi ng buong bansa,” pagmamalaking pahayag ni Kuya Germs. Si Gabby ay anak ng mag-asawang Federico at Shiela na kapatid naman nina Vina Morales at Shaina Magdayao. 

Speaking of Kuya Germs, nakansela ang taping last Friday ng Walang Tulugan with the Master Showman dahil sa pananalasa ng bagyong Mario leaving the entire Metro Manila na lubog sa baha.

vuukle comment

AGONCILLO ST.

ASWANG CHRONICLES

CHILD

CHILD HAUS

HANS SY

KUYA GERMS

MADER RICKY

MOTHER LILY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with