^

PSN Showbiz

Raymart at Claudine may panibagong problema na naman

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagsimula na kagabi ang Disney Live! Three Classic Fairy Tales na treat sa mga kabataan ng Limitless Ventures.

Sa mga interesadong manood ng mga paboritong Disney characters, tuluy-tuloy na mapapanood ito sa Mall of Asia Arena ng 3:00 p.m. at 7:00 p.m. nga­yong araw, at Biyernes hanggang Linggo ay mapapanood ng 11:00 a.m., 3:00 p.m., at 7:00 p.m.

PAK: Mangiyak-ngiyak si Kristel Moreno sa matinding panlalait na natanggap niya dahil sa gown na sinuot niya sa nakaraang Star Magic Ball.

Pinaglaruan ito sa social media lalo na’t naka-close up ang tiyan nito na kung saan nakikita ang lumulukot na bilbil.

Sabi ni Kristel, hindi raw bilbil ang nakikita sa gown niya, kundi damit lang daw iyun na parang li­ning na nasa ilalim ng gown.

 “Okay lang ‘yung laitin nila ang suot ko, huwag lang po sana masyadong personal, sobrang pinababa nila ang pagkatao ko,” himutok ng aktres.

Kaya iniyakan daw niya nang husto iyun lalo na’t tinatawag daw siyang “pokpok” na sobrang pinababa naman daw ang pagkatao niya.

Damit lang daw ang laitin ng bashers, huwag naman daw ang pagkatao niya.

Sa litrato lang daw iyun na ikinalat sa social media, pero kung tingnan daw sa malapitan maganda raw at wala naman daw bilbil na lumalabas.

Gawa pa raw ang gown na iyun ng kilalang designer sa Hollywood na si Rocky Gathercole na gumagawa raw ng gown nina Paris Hilton, Jennifer Lopez, at Rihanna.

BOOM: Mukhang hindi na naman okay sina Claudine Barretto at Raymart Santiago, pero tahimik lamang sila.           

Nag-post si Claudine sa kanyang Instagram account ng text message ng yaya ng anak nilang si Santino na second honor daw ang bagets sa class nila.

Kahapon naman ay ipinost din ni Claudine ang regalo niya kay Sabina dahil sa super high grades daw nito.

Hiningan namin si Raymart ng reaksyon sa launch ng Dickies kamakalawa ng gabi, hindi ito sumagot dahil hindi pa raw niya alam ang nangyayari ngayon sa kanilang anak.

Ayaw na lang niyang magsalita dahil ayaw na raw niyang may sasabihin na naman ang kampo ni Claudine.

Mas mabuting tahimik na lang daw muna siya, at baka kung meron daw siyang masabi na ikaka-react na naman ng kabilang kampo.

Mas mabuting manahimik na lang daw muna siya. Pero inamin niyang wala naman siyang komunikasyon sa kanyang mga anak, at hindi pa niya sila nakikita uli.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAW

DISNEY LIVE

LANG

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with