^

PSN Showbiz

Mommy Divine pumiyok na tungkol sa panghihimasok sa love life ni Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay na ng pahayag ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine sa Eksena Magazine tungkol sa diumano’y panghihimasok nito sa buhay pag-ibig ng aktres. Iginiit ni Mommy Divine na gusto lamang daw niyang maging maayos ang buhay ng kanyang anak. “Ganito kasi ang panuntunan namin sa buhay, na hinding-hindi namin gagawin na sabihin sa kanya na, ‘Ito ang gusto ko para sa iyo.’ Hindi, ayaw namin ng gano’n. Pinapayuhan namin siya, sasabihin namin, ‘Anak, ganito, ganyan siya. Pero kung anong gusto mo ay ikaw pa rin ang masusunod.’ Desisyon pa rin niya,” pahayag ni Mommy Divine.

Palagi raw pinaaalalahanan si Sarah ng mga magulang lalo na sa pagpili ng lalaking makakasama nito sa habambuhay. “Lagi lang naming sinasabi na sana ‘yung lalaking pipiliin niya ay ‘yung masasandalan niya habambuhay. Emotionally ay matuturuan siya kung saan talaga dadalhin ang emosyon, para sa ikabubuti ang emosyon. Hindi ‘yung puro emosyon na lang. Pakonswelo na lang ang pisikal, ang appearance,” paliwanag ni Mommy Divine.

Ilang buwan nang magkarelasyon sina Sarah at Matteo Guidicelli at ayon sa aktor ay marami na rin talagang pinagdaanan ang kanilang relasyon ng aktres. “Sarah and I, our values are strong. Kahit maraming issues, babalik kami kung bakit mahal namin ang isa’t isa. We always have to remember ‘yung basics, kung bakit nagmamahalan tayo, bakit mahal natin ang isa’t isa. We always go back to that,” makahulugang pahayag ni Matteo.

Sam pakakasalan na ang next GF

Muling nanunumbalik ang magandang samahan bilang magkaibigan nina Sam Milby at Anne Curtis. Matatandaang naging magkasintahan sina Anne at Sam ilang taon na ang nakararaan. “Meron kaming past. Siyempre nagsimula doon sa Maging Sino Ka Man. Four years na wala kaming project together. Masaya naman. Parang starting over again ‘yung friendship namin sa Dyesebel tapos dito sa movie,” nakangiting pahayag ni Sam.

Magkasama ngayon sa pelikulang The Gifted ang dalawa kung saan ay nandoon din si Cristine Reyes. Isang masayang karanasan daw para sa aktor nang gawin niya ang proyekto. “Siyempre si Anne and also si Cristine are two of the most beautiful actresses in the business. Ang saya ng movie. Sana panoorin n’yo po. Kakaibang comedy ito, hindi ‘yung tipong slap stick comedy. Dark comedy siya,” pagbabahagi ni Sam.

Samantala, masaya si Anne sa relasyon nila ni Erwann Heussaff habang si Sam naman ay matagal nang walang karelasyon pero napababalitang nililigawan ngayon si Shaina Magdayao. “Ako kasi 30 na ako. Mas picky na ako ngayon. Kung sino ang susunod na girlfriend ko, ‘yun na. Sana siya na ang pakakasalan ko,” pagtatapos ng aktor.  Reports from JAMES C. CANTOS    

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

CRISTINE REYES

ERWANN HEUSSAFF

MAGING SINO KA MAN

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

NAMIN

SAM MILBY

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with