^

PSN Showbiz

Carding pinasalamatan ng totoong ama ng anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sobrang lungkot ni Carding (Gabby Eigenmann) habang pinapanood ang masayang mag-ama sa amusement park. Pero sa huli, mabubura ang lahat ng pagdaramdam ni Carding nang iabot ni Precious ang isang doll keychain na napanalunan niya sa isang game. Sa pagkakataong ito, si Joemer naman ang malulungkot. Nang maiwan sina Joemer at Carding habang naglalaro si Precious, magpapasalamat ang una kay Carding sa pag-aalaga nito sa mag-ina niya. Ipapaubaya na rin niya kay Carding ang bata.

May nakita nang apartment si Beth. Naienrol na rin niya si Precious sa bago nitong school. Ibabalita niya ito kay Carding na tila malamig pa rin ang pakikitungo sa kanya. Lalo pang madaragdagan ang sakit sa dibdib ni Carding nang dumating na ang buyer ng mga gamit niya sa bakery. Mangingilid ang luha ni Carding habang minamasdan ang pagsasara ng kanyang bakery.

Isang araw, mabubulilyaso ang plano ni Beth na umuwi ng probinsya. Tigil ang operasyon ng mga bus dahil sa isang aksidente. Eksaktong tatawagan ito ni Joemer para makibalita kay Precious. Malalaman ng lalaki ang sitwasyon ni Beth. Kukumbinsihin ni Joemer si Beth na dumaan na lang muna sila sa reunion ng barkada nila para magpalipas ng traffic.

Sa reunion, tutuksuhin ng barkada ang da­lawa. Magkakailangan naman sina Beth at Joemer. Nang papuntang banyo si Beth, mawawalan ito ng balanse at masasalo ni Joemer. Parang napaso si Beth sa hawak ni J­oemer, maghihilamos sa banyo ang babae para mahimasmasan. Sa paglabas nito sa banyo, eksaktong paparating si Joemer. Magkakabungguan ang dalawa, mahuhulog si Beth kay Joemer. Magkakatitigan ang dalawa.

Iiwas si Beth kay Joemer. Habang parehong naglalakad papalayo sa isa’t-isa, makikitang kapwa apektado sila sa nangyari.

Kinabukasan, uuwi si Beth sa probinsya kasama si Joemer. Yayayain ng lalaki sina Precious at Carding na mamasyal pero magpapaiwan si Carding. Masama pa rin ang loob ni Carding kay Beth kaya tatanggi ito.

Hindi kalaliman ang kanilang mga problema pero maraming nakaka-relate na manonood sa kuwento ni Dading na napapanod tuwing hapon sa GMA 7.

vuukle comment

BETH

CARDING

EKSAKTONG

GABBY EIGENMANN

HABANG

IBABALITA

JOEMER

KAY

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with