^

PSN Showbiz

Nanay ng young singer-actress nakakaloka ang kakunatan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masinop sa pananalapi ang mga magulang ng isang sikat na young singer-actress. Lahat ng kinikita ng kanilang anak ay maayos na napupunta sa mga makabuluhang bagay, walang natatapon, ganu’n nila pinahahalagahan ang mga ginagawang pagsisikap at pagpapagod ng young singer-actress.

Dahil sa kasinupan nila ay damay du’n pati ang kanilang mga kasambahay, palaging pangat ang kanilang inuulam, pangatlong init palagi.

“Kapag birthday ce­lebration na ng anak nila sa isang variety show, asahan mo nang may sariling notebook si mommy. Nakalista du’n ang lahat ng mga dumarating na regalo para sa anak niya.

“Bilang na bilang niya ang mga cakes, lechon, lahat ng regalo, nakalista sa notebook niya. Kapag tapos na ang show at uwian na, kukunin niyang lahat ‘yun, wala siyang iiwanan sa studio, kaya minamarkahan siya ng mga utility.

“Ano nga ba namang mag-iwan naman siya ng kahit isang cake lang na puwedeng pagsaluhan ng mga tumutulong sa kanila? Sangkatutak naman ang cakes na padala ng mga produktong ine-endorse ni ____(pangalan ng sikat na young singer-actress), makakaya ba nilang kainin lahat ‘yun nang minsanan lang?

“Ang mga lechon, inuuwi rin ‘yun ng mommy ni bagets, kaya kung dalawang linggo lang, e, puro lechong paksiw ang ulam nila sa bahay. Init lang nang init ang mga kasambahay nila, puro pangat ang ulam nila,” napapailing na kuwento ng aming source.

Nakakaloka nga ang kakuriputan ng ina ng sikat na young singer-actress, hindi puwedeng galawin ng mga maid-of-cotton nila ang mga pagkain sa refrigerator, nagkakandasira at nagkakabulukan na ay nandu’n pa rin dapat ang mga lafang.

Nagbibirong hirit ng aming impormante, “Naku, hindi kaya one day, e, masira ang tiyan ng boyfriend ni young singer-actress dahil expired na pala ang meryendang ibinigay sa kanya?

“Sarado talaga ang mga kamay ng mommy niya sa pagse-share ng blessings, pagkain na lang, ipinagdaramot pa?” konklusyon ng aming source.

Walang hustisya na mapapala, Francine maling lugar ang pinaglalabasan ng galit kay Mike Enriquez

Sa halip na tumigil na siya sa kapo-post ng mga salitang umaagaw ng pansin ng marami, lalo na ng mga tagasuporta ni Mr. Mike Enriquez, ay arya pa rin nang arya si Francine Prieto.

Una niyang nilait-pinintasan ang magaling na news anchor sa pagsasabing ayaw niyang maging ama ng kanyang anak si Mr. Mike dahil baka ito raw ang makamukha ng bata, nakakaawa raw naman ang kanyang anak.

Maraming hindi nagkagusto sa pagmamaldita ng aktres, sino raw siya para magsabing pangit ang newscaster, samantalang marami rin naman siyang kapintasan?

Pinakain ng kung anu-anong salita ng mga bashers niya si Francine, ano raw kaya ang pinagdaraanan niya para maging ganyan ka-bitter, gusto lang daw kaya niyang mapag-usapan siya?

Pero lumalaban si Francince, opinyon niya ay wala raw kasing alam ang mga nagtatanggol sa newscaster kung ano ang ginawa nito sa kanya. Mabuti nga raw at pangit lang ang sinabi niya at hindi pervert.

Sa ganu’ng tabas ng pananalita ng dalaga ay parang nagbibigay na siya ng ideya na may galit siya kay Mr. Mike Enriquez, na matagal na niyang kinikimkim ang bagay na ‘yun, hindi nga lang siya nagsasalita.

Kung totoo ang pahayag ni Francine ay napakarami niyang mapupuntahang police station, isumbong niya du’n ang ginawa sa kanya ng newscaster, ‘yun ang pinakatamang venue para sa kanyang reklamo at hindi sa social media.

Kung hustisya ang kanyang hinahanap ay hindi niya ‘yun matatagpuan sa pagtu-tweet, korte ang magbibigay nu’n sa kanya, hindi ang pakikipagbangayan sa Twitter.

vuukle comment

FRANCINE

FRANCINE PRIETO

KAPAG

LANG

MR. MIKE ENRIQUEZ

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with