^

PSN Showbiz

Kim may K ding mang-imbyerna

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang daming nag-react ng hindi maganda sa naging comment ni Kim Chiu sa ginaganap na PBB All In. May karapatan naman siyang magsalita dahil sa show na ito siya nanggaling. May karapatan din siyang magsabi ng kanyang damdamin. 

Hay naku, bakit naman kayo ganyan? Kung sa Internet nga kabi-kabila ang batikos sa mga kasalukuyang kaganapan sa Bahay ni Kuya bakit kailangang batikusin si Kim na nagsasabi lang ng kanyang damdamin? Eh pinagdaanan niya ‘yun. Kayo naman, gusto n’yo kayo ng kayo lamang ang pwedeng magsalita!

P-Noy pinipilit dagdagan ang termino

Tatakbo raw ulit si P-Noy sa 2016? Hindi siya, kundi ang mga kasamahan niya ang may gusto nito. Dahil naniniwala sila na sa kabila nang pagbaba ng kasikatan nito ay marami pa rin itong tagasubaybay. Madadala pa sila nito. Kung sa sariling palo nila ay baka nga matalo pa sila. Kung dadalhin sila ni P-Noy, mas malaki ang tsansa na manalo sila. Pero, paano naman ang binitawang salita ni P-Noy na one term lang siya? Babaliin din ba niya ito at wawalain ang kanyang kredibilidad in the name of friendship? O hindi na ba nila naisip na ayon sa batas ay hindi puwedeng magkaroon ng dalawang termino ang isang pangulo? 

 

ALL IN

BABALIIN

DAHIL

KIM CHIU

KUYA

MADADALA

P-NOY

PERO

TATAKBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with