^

PSN Showbiz

Marian inisnab ni Lovi nang magkita-kita sila nina Dingdong at Rocco

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naloka naman ako sa kuwento ng isang saksi sa pagsasalubong nina Marian Rivera and Lovi Poe sa parking lot ng GMA 7 last Friday night.

Ang kuwento ni source, pasakay siya sa kanyang kotse nang makita niyang bumaba ng sasakyan si Marian na parang sasalubungin ang kanyang dyowang si Dingdong Dantes na galing daw yata sa itaas ng GMA dahil nag-taping. Eh naispatan din daw niyang padating si Lovi Poe at kasama ang boyfriend niyang si Rocco Nacino. Ang ini-expect daw ni source, magha-hi si Lovi kay Marian dahil magkasama nga sina Dingdong at Lovi sa isang serye. Kaso wala raw nangyaring batian, kundi isnaban pa. “Kaya talagang nagulat ako nang kay Dingdong lang nag-ba-bye si Lovi. Hindi niya talaga binati si Marian, literal na inisnab niya,” recalled may source.

Wala raw nagawa si Marian at hindi ito nag-react. Ang narinig lang daw niyang dialogue nito kay Dingdong dahil nga malapit lang siya sa pinangyarihan, ay ‘close kayo.’

‘Yun lang daw talaga. “Nagbago na nga si Marian. Hindi na siya nang-aaway. Hinintay ko talaga kung anong gagawin niya. Wala siya talagang reaction. Eh halos nagkadikit na sila sa dinaanan nila,” dagdag ng source.

May kinalaman kaya ang programang Ang Dalawang Mrs. Real sa pang-iisnab ni Lovi kay Marian?

O dahil BFF sina Lovi at Heart Evangelista na common knowledge na may friction sa pagitan nila ni Marian?

Kilala rin ni source ang dalawang aktres kaya ang alam niya, dating magkaibigan nina Marian at Lovi. Nakikita nga raw niya ito noong magkasama noong panahong nakipag-split si Lovi kay Ronald Singson. “At saka ‘di ba nagkasama sila sa Show Me Da Manny (comedy show nila noon ni Manny Pacquiao),” paalala pa ng source na hindi ko actually ma-recall.

Anyway, ano nga kayang reaction ni Marian dito o ni Dingdong kaya?

Lately ay mukhang wala na ngang pinapatulan si Marian. Bongga ha, pinaninindigan niya ang sinasabi niyang pagiging mabait at positive.

Erich at Cristine magsasapawan sa pagsayaw

Saksihan ang ultimate vocal showdown ng The Voice Kids coach na pangungunahan nina Lea Salonga, Bamboo, at Popstar royalty Sarah Geronimo  ngayong Linggo (July 27).  May patikim din si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa  Arise The Repeat concert. 
Muling magsasama sina Kim Chiu at Maja Salvador sa isang exciting Supahdance collaboration; paiinitin naman ang ASAP stage ng  Once a Princess star Erich Gonzales at  My Trophy Wife star Cristine Reyes; hahataw ng Supahdance craze hits si Jhong Hilario kasama ang Mini-me child wonders na sina Nickzy Calma, John Steven De Guzman, at Rhaine Santos. Hataw-to-the-max kasama sina Shaina Magdayao, John Prats, Arron Villaflor, Robi Domingo, Gimme 5’s Nash, Grae, John, Joaquin, at Brace. Kaabang-abang din ang extreme birthday bash ni Iya Villania.

Meron ding non-stop concert treat mula kina Martin Nievera, Piolo Pascual, ZsaZsa Padilla, Yeng Constantino, Vina Morales, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse De Guzman, Morissette Amon, Nikki Gil, Paolo Valenciano, Nyoy Volante, Tutti Caringal at ang ASAP Sessionistas. Bibida naman si Yael Yuzon ng Sponge Cola para sa Acoustic Sessions. Tampok naman sa Karaoke Kantahan ang mga hits ng Ultimate MultiMedia Star Toni Gonzaga kasama sina Alex Gonzaga at Marcelito Pomoy.

                             

vuukle comment

ACOUSTIC SESSIONS

ALEX GONZAGA

ANGELINE QUINTO

ARISE THE REPEAT

ARRON VILLAFLOR

CRISTINE REYES

LOVI

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with