^

PSN Showbiz

Ngayon pa: Katrina gustong ipaliwanag kay Dra. Belo ang ginawa nila ni Hayden sa sex video

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nanibago at nahirapan si Katrina Halili sa first few days ng taping niya sa Niño, kung saan bilang si Hannah ay mabait ang kanyang role. May mga eksena na kontrabida acting ang kanyang ginagawa at pati delivery ng lines, medyo matigas at mataas, kaya hinihinaan niya ang boses.

Natutuwa si Katrina sa positive feedback ng viewers sa Niño at nagpapasalamat na napasama siya sa cast. Hinihintay na rin niya ang eksenang malalaman niyang siya ang tunay na ina ni Niño na medyo matagal pa, dahil nangangalahati pa lang sila sa 16 weeks na peg ng teleserye.

Samantala, nahingan ng reaction si Katrina sa ibinalik na medical license kay Dr. Hayden Kho, pero ayaw nitong pag-usapan ang isyu. Ang naikuwento, may common friend sila ni Dra. Vicki Belo na gusto silang pagtagpuin at pag-usapin. Payag si Katrina dito para ma-explain daw niya kay Dra. Vicki ang totoong nangyari. Ang gusto lang ni Katrina, kung mag-uusap sila, may kasama siya.

Gugustuhin din siguro ni Dra. Vicki na may kasama rin siya sa paghaharap nila ni Katrina para patas. Type rin siguro ng mga reporter na present sila sa paghaharap ng dalawa, pero malabo ito.

Sa follow-up question kung ready na siyang kausapin si Hayden, negative ang sagot ni Katrina. Ang gusto talaga niyang makausap muna ay si Dra. Vicki, kung kailan ito mangyayari, wala pang nakakaalam!

John tuhog sa tatlong episode ng Shake…

Hindi si John Lapus ang pinakabida sa Shake, Rattle & Roll XV, pero siya ang may pinakamala­king role dahil kasama siya sa three episodes ng movie na entry ng Regal Entertainment sa 2014 MMFF.

Mapapanood siya sa Ahas episode nina JC de Vera at Erich Gonzales at sa episode nina Dennis Trillo at Carla Abellana na hindi pa namin alam ang title. Join din siya sa last episode na Flight 666 nina Lovi Poe at Matteo Guidicelli.

Kaya naman pala masayang-masaya si John na nag-celebrate ng birthday kamakailan dahil may filmfest entry siya.

Direk Mike hindi nabigong makuha ang gusto

Kahit si director Mike Tuviera, overwhelmed sa cast ng The Janitor, entry niya sa Directors Showcase category ng 2014 Cinemalaya. Hindi nito ini-expect na ang mga pangalan ng mga artista na gusto niyang masali sa cast ng movie niya at sinulat lang sa white board sa office ng APT Entertainment ay matutupad.

Nang tawagan at i-offer niya kina Dennis Trillo, Derek Ramsay, at Ri­chard Gomez ang respective roles nila, agad umoo ang tatlo. Wala rin siyang naging problema kina Dante Rivero, Raymond Bagatsing, LJ Reyes, Alex Medina, Nico Manalo, Jerald Napoles, at Irma Adlawan na pumayag ding maging part ng pelikula niya.

Based ang movie sa 2008 bank heist sa RCBC at may actual event siyang isinama at suportado ng matinding research. Pang-lalaki ang The Janitor na mapapanood simula August 2, at Aug. 4 ang Gala sa CCP Main Theater, pero magugustuhan din ng female audiences dahil sa magandang story at star-studded cast.

vuukle comment

ALEX MEDINA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DRA

NIYA

SIYA

VICKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with