^

PSN Showbiz

Seguridad sa Camp Crame nakabibilib, pero imbiyerna ang beauty ko sa pagdalaw kina Sen. Bong at Sen. Jinggoy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nabulilyaso ang pagdalaw ko kahapon kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa custodial center ng PNP sa Camp Crame dahil wala ang pangalan ko sa listahan ng mga expected visitor.

Hanggang sa gate lang ng custodial center ang beauty ko dahil nalimutan yata ni Lani Mercado na ilagay ang pangalan ko sa listahan.

Hindi ako nagpumilit na pumasok dahil ang batas ay batas. May ibang araw pa naman para madalaw ko sina Bong at Papa Jinggoy. Saka hindi ko pinangarap na magkaroon ng isyu nang dahil sa akin.

Sa totoo lang, bumilib ako sa policewomen na nakabantay sa gate ng custodial center dahil ipinatutupad nila ang batas.

Nagkita-kita na lamang kami nina Phillip Salvador at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa entrance ng custodial center. Nasilaw ako sa legs na maputi ni Ipe na naka-shorts lamang nang bumisita kahapon sa kanyang mga kaibigan.

Walang worship meeting o misa na nangyari kahapon sa custodial center. May pari na bumisita pero hindi nagmisa.

Ibang-iba ang scenario nang unang dumalaw ako kina Bong at Papa Jinggoy noong June 29 dahil may dumalaw na pastor na nanguna sa praise and worship na dinaluhan ng buong pamilya nina Bong at Lani.

Sen. Enrile binisita ng dating Pres. Ramos sa Camp Crame Hospital

Hindi nakatutok kahapon sa custodial center ang mga miyembro ng media.

Nagtitipun-tipon sila sa harap ng PNP General Hospital dahil nagbabaka-sakali sila na makita si Senator Juan Ponce Enrile at ang mga dalaw niya.

Sa pagkakaalam ko, may isang bakante na kuwarto sa custodial center na nakareserba para kay Senator Enrile pero dahil may edad na siya at erratic ang blood pressure, naka-confine si Mr. Gusto Ko Happy Ka, sa Camp Crame hospital.

Nakauwi na ako sa bahay nang malaman ko na dumalaw kay Senator Enrile si former President Fidel V. Ramos. Si Papa Fidel pala ang dahilan kaya nagbantay sa harap ng PNP General Hospital ang media.

Malalim ang pinagsamahan nina Senator Enrile at Papa Fidel na parehong mga bayani ng People Power Revolution noong 1986.

Modus ng mapanirang aktres nabuko sa social media

Tukoy na ng sikat na aktres ang tao na nasa likod ng mga paninira sa kanya sa social media.

Kapwa aktres din ang utak sa paninira sa aktres pero may mga tao siya na kasabwat para hindi ma-trace sa kanya ang “krimen”.

Ang mga kasabwat ng aktres ang aligaga sa pagbatikos sa sikat na aktres.

Pero hindi naging maingat ang mga alipores ng aktres dahil nabuking ang kanilang modus operandi nang ilabas nila ang litrato na magkakasama sila.

Ang picture ang ebidensya na may koneksyon ang aktres na mapanira sa mga tao na bumabatikos sa sikat na aktres.

Pero napaamin naman, Lovi nataranta sa tanong!

Inamin ni Lovi Poe na nataranta siya sa live interview ko sa kanya sa Startalk noong Sabado.

Sa sobrang taranta ni Lovi, napaamin ko siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Rocco Nacino.

For the first time, kinumpirma ni Lovi na boyfriend na niya si Rocco.

Never na nagsasalita o umaamin si Lovi tungkol sa kanyang mga nakakarelasyon pero nang ako ang magtanong, positive ang mga sagot niya.

Umamin siya na ex-boyfriends niya sina Ronald Singson at Jake Cuenca. Naging boyfriend din ni Lovi si Jolo Revilla pero bagets pa siya noon.

Isa si Heart Evangelista sa mga nagulat at natuwa sa pag-amin ni Lovi na kilala bilang masikreto kapag ang love life niya ang pinag-uusapan.

vuukle comment

AKTRES

CAMP CRAME

CAMP CRAME HOSPITAL

CENTER

DAHIL

GENERAL HOSPITAL

LOVI

PAPA JINGGOY

SENATOR ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with