^

PSN Showbiz

Gary V pag-aaralin ng fashion design ang anak sa Europa

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Usung-uso ang kursong fashion design sa ating mga artista. Kundi man mga artista mismo, ay mga anak naman nila ang gustong mag-aral nito. Ito ang kursong kinukuha ng anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano sa London na pansamantalang tumigil. Ito rin ang kursong gustung-gustong pag-aralan ng bunso nina Gary at Angeli Valenciano na si Kiana, pero hindi agad-agad. May commitments pa ito na tatapusin dito bago siya makaalis. Tulad ng paggi-guest sa repeat ng Arise concert ni Gary V sa August 2 sa Mall of Asia Arena. Interpreter din ito ng isang entry sa PhilPop Songwriting Contest.

Maja inayawan ang Shake…

Tinanggihan ng Star Magic ang alok kay Maja Salvador para makasama sa Shake, Rattle & Roll 15 para sa MMFF 2014. Baka naman may nauna nang commitment ang girlfriend ni Gerald Anderson. At kung wala man, baka hindi gaanong malaki ang role at hindi na babagay sa katayuan ngayon ng aktres.

May inihahanda ring konsyerto ito na  baka maapektuhan kapag tinanggap niya ang pelikula ng Regal at kakailanganin niyang mag-shooting agad.

Gary V papasukin ang international scene

Kapag nagkataon, baka magkaro’n ng interna­tional recording si Gary Valenciano. Don’t look now pero nakipag-meeting ito sa record producer ni Katy Perry. Baka nabalitaan nito na mayroon nang mga siyam (9) na kanta na nagagawa si Gary V na kola­borasyon nila ng isang banyagang kompositor. Baka gustong malaman ng prodyuser ang posibilidad na magawa itong isang album.

 

 

vuukle comment

ANGELI VALENCIANO

GARY V

GARY VALENCIANO

GERALD ANDERSON

KATY PERRY

MAJA SALVADOR

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with