^

PSN Showbiz

Alwyn Uytingco, handa nang mag-ladlad!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masayang-masayang si Alwyn Uytingco sa blessing na hatid sa kanya ng kanyang drama-co­me­dy series na Beki Boxer. Bilang flagship program ng Kapatid network nitong nagdaang mga bu­wan, pansin na pansin ng lahat ang buhos na suporta ng TV5 hindi lamang sa programa kundi na rin kay Alwyn mismo. Mula nga nang umere ang Beki Boxer last March ay naging abala na si Alwyn sa sunud-sunod na mga projects at promotions sa iba’t ibang parte ng bansa at sa nalalapit na Nagma­magandang Ending ng Beki Boxer ngayong Biyernes (Hulyo 4), aminado si Alwyn na hindi niya makakalimutan ang proyektong ito.

 “Sobrang laking pasasalamat ko po sa Diyos at siyempre narin sa TV5 sa pagbibigay sa akin ng lead role sa Beki Boxer. Sunud-sunod po tala­ga ‘yung blessings na hatid sa akin nung programa,” pahayag ni Alwyn na gu­maganap din bilang Wendell sa love mystery dramang JASMINE at regular na napapanood sa Saturday gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli.

Samantala, matapos manalo ni Rocky Ponciano (Alwyn Uyting­co) sa kanilang laban ng kanyang love interest / best friend na si Atong (Vin Abre­nica) ay tuloy na tuloy na ang pagsikat nito sa buong Pilipinas. Ngunit kwento mismo ni Alwyn, marami pang mga dapat abangan ang mga manonood sa hu­ling linggo ng dramedy series.

 “Ay nagmamagandang ending talaga!” sabi ni Alwyn. “Dapat nilang tutukan yung mga laban ni Rocky. Kasi mabubuko na Beki Boxer nga ang lola mo. Eh may international fight pa siya against yung kay Chameleon na international boxer. So maiiskandalo ngayon siya. Dapat nilang malaman kung maglaladlad ba siya, matatanggap ba siya ng pamilya niya, tsaka kung matutuloy ba ‘yung laban niya.”

Kakalat kasi ang isang video na magiging dahilan para malaman ng buong bansa na beki si Rocky. Kasabay ito ng kanyang nalalapit niyang laban sa Chinese boxer na si Chameleon na gagampanan naman ng totoong Hong-Kong professional boxer na si Rex Tso.

Matutuloy ba ang laban ni Rocky at ni Chameleon? Ano ang magiging reaksyon ng bansa gayung beki pala ang ating kampeon? Matatanggap ba siya ng kanyang pamilya? Paano ang lovelife ni Rocky – magkakatuluyan ba sila ni Atong?

 

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTING

ALWYN UYTINGCO

ATONG

BEKI

BEKI BOXER

BOXER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with