^

PSN Showbiz

Lee Min Ho magpapakilig na rin tuwing araw ng Linggo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buong umaga mong makaka-date ang King of Asianovelas na si Lee Min Ho tuwing Linggo simula June 15 sa pagsisimula ng The Heirs: Royal Rewind, 10 a.m. sa ABS-CBN.

Dala ito ng patuloy na pagbuhos ng mga tawag at e-mail sa tanggapan ng ABS-CBN mula sa fans para ipalabas ang Korean series tuwing weekends.

Panooring muli kung paano nagsimula ang love story nina Ryan (Lee Min Ho) at Julia (Park Shin Hye) sa ibang bansa at kung paano sila muling pinagtagpo pagbalik nila ng Korea.

Kasabay ng muling pagkrus ng kanilang landas ay ang pagharap nila sa katotohanang sila ay mula sa magkaibang mundo--- si Ryan ay tagapagmana ng isang malaking kumpanya, habang si Julia ay anak lamang ng isa sa mga kasambahay nina Ryan. Kaya kaya ni Ryan na isugal lahat ng mayroon siya para kay Julia? Mas pipiliin niya ba ang pag-ibig kaysa sa kapangyarihan?

Unang linggo pa lang ng The Heirs ay agad na itong tinangkilik ng taong-bayan. Mula May 26 hanggang May 30, pumalo ang The Heirs sa ave­rage national TV rating na 13.2% kontra sa kalaban nitong programa na may 7.7% lang. Patuloy na tinututukan ng sambayanan ang The Heirs kasabay ng madalas pa rin nitong pag-trend nationwide at worldwide via Twitter.

Samantala, pinarangalan kamakailan si Park Shin Hye ng Popularity Award sa ginanap na 50th Baeksang Arts Awards para sa kanyang pagganap bilang Julia sa The Heirs.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng The Heirs: Royal Rewind sa Linggo (June 15), 10 a.m. at ang regular airing ng The Heirs tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:30 p.m. sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa http://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.

 

vuukle comment

BAEKSANG ARTS AWARDS

HEIRS

JULIA

KAPAMILYANOVELA FACEBOOK

KING OF ASIANOVELAS

LEE MIN HO

LINGGO

PARK SHIN HYE

ROYAL REWIND

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with