^

PSN Showbiz

Babaeng ‘nangwasak’ kina Cesar at Sunshine huli sa aktong kasama ang high profile inmate na nakalabas ng kulungan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tuluy-tuloy ang pag-explore ni Regine Velasquez sa Boracay na mapapanood sa Sarap Diva bukas ng umaga.

Kasama ni Songbird si Solenn Heussaff na mag-iikot sa Station 3 at susubukan ang sikat na Calamansi muffin sa naturang isla.

Parang nag-i-enjoy na talaga si Regine sa cooking/talk show, at mukhang wala na itong balak na mag-drama.

Sabi ‘nya kasi nun, mga buwan ng Mayo ay magsisimula na siya ng soap sa GMA Telebabad, pero wala pa rin kaming balita tungkol dito.

PAK: Muling nasa news na naman itong si Krista Miller pagkatapos niyang ma-link kay Cesar Montano na naging dahilan ng paghihiwalay nila Sunshine Cruz at Cesar.

Nasangkot na naman siya sa usap-usapan dahil sa nalamang pinayagan ng Bilibid ang paglabas ng isang high-profile convict na si Ricardo Camata para magpa-check-up sa Metropolitan Hospital.

Nadamay si Krista, dahil nakita sa CCTV na isa siya sa dumalaw sa naturang hospital.

Sabi ng sexy starlet, wala raw malisya ang pagpunta niya roon dahil nagbenta lang naman daw siya ng condo unit kay Camata.

Nagkakilala lang daw sila nung naimbitahan daw itong magsagala sa Munti.

Dapat nga raw ay magbibigayan na ng deposit kahapon, pero naunsyami na ito dahil sa naging malaking isyu itong pagpapalabas pansamantala kay Camata.

BOOM: Nagsalita na si Freddie Aguilar sa Startalk para sagutin ang lahat na mga sinabi ng anak niyang si Maegan Aguilar.

Sinisisi ni Freddie ang sarili dahil sa ibinigay daw niya ang layaw sa anak niyang ito.

Mula nung maliit ay hindi raw nakatikim ng hirap ang mga anak niya, kaya ganun daw ang mga ugali nito.

Anim ang anak ni Freddie pero dalawa raw ang medyo pasaway, at isa na rito si Maegan. Tahimik lang daw ang isa, pero si Maegan daw ay kabaligtaran, kaya hindi na siya nagulat sa mga ginawa nito.

 â€œTao lang din naman ako nasasaktan din ako, pero naniniwala akong lalabas din naman ang buong katotohanan,” pahayag ni Ka Freddie.

Naintindihan daw niyang nadala lang si Maegan ng bugso ng damdamin, pero naniniwala siyang huhupa rin ito at darating ang araw na babalik din sa kanya ang anak.

 

vuukle comment

CESAR MONTANO

DAW

FREDDIE

FREDDIE AGUILAR

KA FREDDIE

KRISTA MILLER

MAEGAN

MAEGAN AGUILAR

METROPOLITAN HOSPITAL

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with