^

PSN Showbiz

Chito at Neri engaged na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinala na ni Chito Miranda at artistang si Neri Naig ang kanilang relasyon sa mas mataas na level matapos magpoprose ang Parokya Ni Edgar vocalist.

Sa Youtube video na pinost ni Chito ay ipinakita niya kung paano niya inayang magpakasal si Neri.

Kunwari ay naimbitahan si Neri na gumanap para sa isang music video ng isang banda upang hindi pagdudahan ang mga nakapalibot na camera.

Habang nagshu-shoot ng video at umaarte si Neri ay lumabas si Chito na may dalang bulaklak saka lumuhod at nilabas ang singsing.

Walang atubiling sumagot si Neri na kitang-kita sa mukha ang pagkagulat at kasiyahan.

Si Chito mismo ang nag-isip ng concept para sorpresahin ang kanyang ngayo'y fiancé.

Matatandaang niyanig ng kontrobersya ang relasyon ng dalawa matapos kumalat ang kanilang sex video.

Hindi natinag ang relasyon nina Chito at Neri bagkus ay tumibay pa ito.

Humingi rin ng tulong si Chito sa National Bureau of Investigation upang matunton kung sino ang nagpakalat ng kanilang pribadong video.

vuukle comment

CHITO

CHITO MIRANDA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NERI

NERI NAIG

PAROKYA NI EDGAR

SA YOUTUBE

SI CHITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with