^

PSN Showbiz

Babu sa Buzz ng Bayan, Carmina at Janice bibigyan ng morning show!; Gretchen mas kinakampihan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Komportable na si Aubrey Miles sa pagkukuwento tungkol sa lovechild nila ni JP Obligacion, na inilihim niya sa publiko noong namamayagpag ang kanyang career bilang sexy star.

Scene : Sari-sari ang reaksyon ng publiko tung­kol sa binuhay na hidwaan ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto ngunit mas marami ang naniniwala  at pumapanig kay Gretchen.

Seen : Walang nangahas na magtanong kay Manila City Mayor Joseph Estrada tungkol sa balita na hiwalay na ang kanyang anak na si Jackie sa asawa nito na si Beaver Lopez.

Magkasama ang mag-ama sa pormal na paglulunsad ng Miss Manila 2014 sa Manila Hotel noong Lunes.

Scene : Ang balita na isang morning talk show na pagsasamahan nina Carmina Villaroel at Ja­nice de Belen ang itatapat ng ABS-CBN sa  Basta Every Day Happy ng GMA7.

Seen:  Ang admission ni Dra. Vicki Belo na tulad ni AiAi delas Alas, nasu­bukan na rin niya ang FemiLift, ang vagina tightener machine ng kanyang clinic, ang Belo Medical Clinic.

Scene :  Sina Mat Ranillo III at Mikey Arroyo ang mga showbiz personality na kasali ang pangalan sa Napolist, ang listahan ng mga tao na naki­nabang sa ninakaw na pera ni Janet Napoles sa kaban ng bayan.

Nanggaling mula kay Napoles ang listahan na isinapubliko ni Senator Panfilo Lacson.

Seen : Ang kuwento ni Carl Guevara na nahinto ang taping ng Pretty Little Liars ng TV5 pero nag-resume na ang taping ng Trenderas. Kasama si Carl sa cast ng Pretty Little Liars at Trenderas.

Scene : Ang announcement ni Jobert Sucaldito sa kanyang dzMM prog­ram na nag-resign na siya bilang publicist ni Laguna Governor Jeorge Estregan ngunit mananatili ang kanilang friendship.

vuukle comment

AUBREY MILES

BASTA EVERY DAY HAPPY

BEAVER LOPEZ

BELO MEDICAL CLINIC

CARL GUEVARA

CARMINA VILLAROEL

PRETTY LITTLE LIARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with