^

PSN Showbiz

Julia wala nang panahon sa bashers

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging matatag na raw si Julia Barretto dahil sa pagkakaroon online bashers. Hindi na raw pinapansin ng dalaga ang mga paninirang ginagawa sa kanya ng mga ito sa iba’t ibang social networking sites. “I guess matagal ko na itong pangarap and I don’t want to give up on it and I feel that with prayer, anything is possible naman so that’s just what I did,” bungad ni Julia.

Palagi rin daw pinaaalalahanan ng inang si Marjorie Barretto ang aktres. “Siguro ‘yung strength ko coming from God and mom, ang dami ko ring natutunan sa kanya and I learned na parang giving them the attention they don’t deserve is just a waste of time. Parang I don’t want to let myself down. I’d rather look at comments that will uplift me and that will encourage me to be a better person,” paliwanag ni Julia.

Samantala, kahit sikat na sikat na si Julia ngayon ay hindi naman daw siya nakararanas ng special treatment sa school na kanyang pinapasukan. “Wala namang gano’n kasi it’s a program talaga for actresses, commercial models, for national athletes so we all go through the same stuff. They are the stars in their own fields, kunyari in their own sport, sa mga passion nila, parang walang special treatment,” pagtatapos ng dalaga.

Wowie gustong balikan si Juday

Sumikat noong dekada 90’s ang tambalan nina Judy Ann Santos at Wowie De Guzman. Maraming nagawang teleserye at pelikula ang dalawa noon bago pa tuluyang nagkahiwalay ang kanilang mga landas. Ngayon ay gusto raw muling makagawa ng proyekto ni Wowie na kasama si Juday kung mabibigyan ng pagkakataon. “Anytime basta tatawagan ako, wala namang problema. Kahit ano po basta makasama ko siya, walang problema,” nakangiting pahayag ni Wowie.

Na-miss daw ng aktor na makatrabaho si Juday lalo pa’t halos araw-araw silang nagkakasama noon sa kanilang mga ginagawa. “Of course ‘yung trabaho na everyday ko siyang nakakasama at ‘yung nakukuha ko na atensyon sa mga tao lalo ‘pag pinapanood ‘yung mga projects na ginagawa namin na talagang makikita mo naman ‘yung impact sa mga tao,” paliwanag ni Wowie.

Katulad ni Judy Ann ay mayroon na ring sariling pamilya si Wowie ngayon. “I’m married at kakapanganak lang ng asawa ko actually. Busy po ako, gano’n din sa mga events, sa mga stage plays,” kwento ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

                     

vuukle comment

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

JULIA

JULIA BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

PARANG I

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with